Kabanata 2

546 19 1
                                    

Shizuka

          Mahigpit kong niyakap ang paborito kong unan.

         Nandito ako sa silid namin nila Honoka. Lumipas na ang gabi at umaga ngunit hindi ko pa rin sila nakikita.

          Kahapon hindi na ko nakasunod sa Shindae dahil hindi ko alam kung nasaan sila. At isa pa, nanginginig ang tuhod ko dahil sa mga sinabi ni Timi.

          Isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabalik ang Shindae.

         Naiintindihan ko sila. Bawat isa sa kanila ay napamahal na sa reyna. Masakit para sa kanila yun. Lalo na sa dalawang prinsipe.

          Minahal nila ang isang nilalang at tinuring na ina ngunit na hindi pala nila ito tunay na ina.

          Hindi ko pa nakikita ang reyna. Tanging malambing na boses nya lang ang alam ko tungkol sa kanya. Hindi maalis sa aking alaala ang maganda nyang boses.

          Napayuko ako.

          Nasaan na kaya ang Shindae? Ano na kayang ginagawa nila? Tumungo kaya sila sa silid ng reyna? Umalis kaya sila ng palasyo kaya tumagal sila ng isang araw?

          Gusto kong malaman! Gusto kong tumulong!

          Kinuha ko ang baso sa lamesa at uminom. Kakatapos ko lang kumain ng almusal mag-isa. Oo mag-isa. Noon bantay sarado ako ng Shindae... ngayon ito ako mag-isa. Tsk, namimiss ko na ang kakulitan ng Shindae. Nakatulog at nagising na nga ko hindi ko pa rin sila nakikita. Bago ako mag-almusal ay tumungo muna ako saglit sa silid ng Shindae ngunit wala sila.

           Saan kaya natulog sila Hikari at Honoka?

           Tumayo ako at agad na lumabas. Iniwan ko ang mga walang laman na pinggan at baso sa lamesa. Paniguradong babalik ang taga-silbi na nagdala ng pagkain kanina para linisin at ligpitin ang kinainan ko.

          Kung dati laging may nakabantay na mga kawal sa akin kapag mag-isa ako kahit na nasa silid namin. Ngayon wala na.

          Dire-diretso akong lumabas. Gusto kong gumala pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko ng maligaw no. Nakakapagod.

          Napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong lalaki na dumaan sa kabila.

         Teka... si Kris yun ah? Dama ni Noah!

          Mabilis akong tumakbo patungo sa daang tinungo ni Kris. Kitang kita ko syang naglalakad kaya agad akong lumapit.

          "Kris!"

          Napatalon sya sa pwesto nya dahil sa gulat. Napalingon sya sakin at halatang hindi inaasahan na makita ako. Huminto ako sa harap nya. Agad syang nagbigay galang sa akin.

          "May maitutulong po ba ako binibini?" tanong nya habang nakangiti. Ang gwapo nya talaga. Ang ganda ng ngiti.

          "Alam mo ba kung nasaan ang Shindae?"

          Desperada na kong makita sila. Nag-aalala ako dahil isang araw ko silang hindi nakita. Umiling iling sya na syang nagpasimangot sakin.

          "Hindi ko po alam kung nasaan ang Shindae. Nakita ko lang po sila kahapon na nagmamadaling tumatakbo rito sa pasilyo. Ngunit..." Nawala ang simangot ko dahil sa huli nyang sinabi. May ngunit. "...Nakita ko po si prinsipe Noah kanina."

          Pakiramdam ko ay nawala ang lungkot sa mukha ko. "Talaga? Nasaan sya?"

          Kita ko ang pagtataka sa mukha nya. Marahil dahil sa mabilis na pagbabago ng mood ko.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon