Shizuka
'Shizuka.'
Jewel.
Nawala ang ngisi ko nang makita ang galit sa mukha ni Berlano. Mabilis niyang naglabas ng itim na usok mula sa kaniyang mga kamay at tumungo ang mga ito sa akin.
Unti-unti akong napapikit.
Let me do this alone, Jewel.
Naikuyom ko ang mga kamao ko at napadilat. Kasabay nito ay malakas na pwersang lumalabas sa katawan ko. Unti unti akong pinalibutan at iniikutan ng puting usok at puting liwanag. Ang itim na usok ni Berlano ay naglalaho sa tuwing madidikit sa puting usok sa paligid ko.
Kita kong napa-atras si Berlano. Muling naglabas ng kulay kahel na liwanag si Alexis at itinira sakin. Itinaas ko ang kamay ko kasabay nito ay ang pagtigil ng kulay kahel na liwanag sa ere.
"Ahhh!" Rinig na rinig ko ang galit na sigaw ni Alexis nang biglang sumabog ang kulay kahel na liwanag sa ere. Lumikha ito ng usok at alikabok dahilan upang hindi ko na sila makita.
"Ngayon na!"
Tila hudyat ang malakas na sigaw ni Alexis sapagkat rinig ko ang sunod sunod na pagbigkas ng mga sorcerer ng salamangka at pagliwanag ng kanilang mga Zauberstab.
Nanatili akong nakatayo, hindi nagpatinag kahit na sunod sunod na atake ang ibinibigay sakin ng mga sorcerer. Kidlat, kakaibang liwanag, mga sandata at kung ano-ano pa na naglalaho lamang sa tuwing nadidikit sa puting usok ko.
Napangisi ako at umikot ikot. Sumasabay sa pag-ikot ko ang puting usok at liwanag sa paligid ko. Ngunit sa pag-ikot ko... lumilitaw ang bawat atake ng mga sorcerer kanina at bumabalik sa kanila.
Pagsabog, sunod sunod na hiyaw at daing ng mga sorcerer at lamia ang naririnig ko. Ang iba ay nakakaligtas dahil sa nabubuo at pinapalitaw nilang mga shield samantalang ang iba naman ay natatamaan ng mga atake. Huminto ako sa pag-ikot kasabay ng paglaho ng mga usok at alikabok na likha ng pagsabog kanina.
Itinaas ko ang kamay ko at lumitaw ang napakaraming sandata at palaso sa paligid ko. Sa isang pitik ng daliri ko lang. Tumungo ang mga ito sa mga sorcerer at mga lamia. Iniiwasan ng mga ito na mataaman sila Berlano at Alexis.
Hindi ko papatayin ang dalawang 'to sa mga atake ko. Dadalhin ko sila kay Honoka, dahil tulad ng nais ni Honoka... siya ang papaslang sa dalawang taksil na ito.
Mabilis akong tumakbo papunta kila Berlano. Napatigil ako nang tatlong sorcerer ang biglang humarang sa daan ko. Ngiting ngiti na nakatingin sakin.
"Imperium petram!" saad ng isa at itinaas ang hawak na Zauberstab. Biglang lumutang ang mga batong nasira ng pagsabog kanina.... at mabilis na tumungo sakin. Itinaas ko ang kamay ko.. at sa isang iglap.. nag-apoy ang mga bato. Puting apoy. Pagkatapos ay sumabog ang mga ito.
"Laser hastam!" malakas na sigaw ng isa pa at sunod sunod na kakaibang laser ang lumabas sa hawak niyang Zauberstab.
Napahawak ako sa purselas.... sana tama si tiya Megumi.. sana ay magamit ko talaga ang purselas na ito.
Malakas kong hinila ang purselas ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla itong magliwanag.. unti-unting humaba... hanggang maging tila isang sibat. Isang ulo ng Draken o Dragon ang nakahugis sa dulo nito. Kulay puti na nahahaluan ng lila na itsurang bakal. Kung titignan ay napakabigat nito pero kasing gaan lang ito ng tunay kong purselas.