Kabanata 83

176 13 1
                                    

Third Person

          Halos hindi na makagalaw ang Shindae dahil sa nakikita nila. Gustong gusto ng tumakbo ni prinsipe Sheun upang kuhanin si Noah ngunit hindi niya magawa. Alam nilang may kontrol si Shizuka sa sarili kaya siguradong sinadya ng dalaga na saksakin ang binata. Kung kukunin niya si Noah ay maaaring siya naman ang kontrolin ni Satana, at kung si Noah nga ay nagawang saktan ni Shizuka, siya pa kaya.

          "Bakit?" tanong ng hindi gumagalaw na si Hikari. Alam niyang may rason si Shizuka kung bakit niya 'yun ginawa pero hindi niya maisip kung ano. Nalipat ang tingin niya kay reyna Sakura, kung kanina ay sobrang seryoso ng pinuno, ngayon ay wala ng mababakas na ekspresyon sa mukha nito. Nakatitig lamang ang pinuno kila Shizuka.

          Biglang binalot ng kakaibang usok ang nakahigang si Noah. Kusang gumalaw ang kakaibang usok palayo kay Shizuka. Hindi na ito nilingon ng dalaga dahil nakapokus ang atensyon niya kay Satana.

          Kay Satana na ngayon ay nakahawak ang dalawang kamay sa tiyan at nakayuko. Hindi makita ni Shizuka ang ekspresyon ng reyna pero kita niya ang mahinang panginginig nito.

          Ang hawak na espada ng dalaga ay agad na nagbago bilang sibat. Walang pagdadalawang isip na hinagis niya ito patungo sa reyna. Isang bakal ang mabilis na tumama sa sibat ni Shizuka dahilan upang malaglag ito.

          "Ahahahaha." Napa-atras nang isang hakbang si Shizuka nang biglang tumawa ang kaharap. Nag-angat ito ng tingin at nagpatuloy sa pagtawa. Kita ng dalaga ang isang luhang tumulo sa mata ng pinuno. Ilang segundo rin ang kaniyang pagtawa bago siya huminto. Nakangiting sinalubong niya ang tingin ni Shizuka. "Gano'n ka na ba kadesperado na matalo ako? Huh, bata?"

          Hindi sumagot si Shizuka.

          "Sinaksak mo si Noah! Ahahahaha, bakit? Bakit mo 'yun ginawa? Para hindi na siya makisali sa laban, ha?" Ibinaba ni Satana ang mga kamay. Nawala ang masayang ekspresyon sa kaniyang mukha at napalitan ng pagkaseryoso. "Bakit?" may diing tanong niya.

          "Sa tingin mo?" tanong ni Shizuka at naikuyom ang kanang kamao.

          Gamitan ng isip at stratehiya ang pakikipaglaban?

          Okay.

          Magsasalita na sana si Satana nang sa isang iglap ay nawala sa kaniyang pwesto si Shizuka. Napayuko siya at nakita ang mabilis na pagsugod ng dalaga. Iiwas na sana siya nang sa mabilis na pangyayari ay isang malakas na suntok ang tumama sa kaniyang tiyan. Sa lakas nito ay napaubo na lamang si Satana. Agad na umikot si Shizuka at tumama ang kaniyang paa sa kanang braso ng kaharap.

          Isang malakas na pagbagsak ang narinig ng lahat. Napayuko si Shizuka at nakita ang ngayon ay nanginginig at nakahigang si Satana.

          Tama, hindi pagsunod sa nais ni Satana ang nangyayari sa kaniyang pagkontrol. Hindi sumusunod ang kontrolado... dahil si Satana mismo ang gumagawa nito. Tulog ang diwa ng kontrolado, at hawak ni Satana ang katawan at kapangyarihan. Kaya naman... ano mang maramdaman ng kontrolado ay mararamdaman din ni Satana. Ano mang sakit at sugat ang matamo ng kontrolado, madarama ito ni Satana.

          Ang pakikipaglaban kay Noah ang halimbawa.

          Oo at naghihilom ang sugat ng binata, pero hindi mawawala ang sakit at panghihina. Ibig sabihin... lahat ng atake ni Shizuka kanina kay Noah ay naramdaman ni Satana.

          May panlaban na siya.

          Inis na napa-angat ng tingin si Satana. Dali-daling gumulong palayo ang pinuno nang makitang papabagsak sa kaniya si Shizuka. Nang makalayo ay agad na tumayo si Satana ngunit panibagong sakit ang naramdaman niya. Sa lakas ng sipa ni Shizuka sa tiyan ng reyna ay halos mapaubo na ito ng dugo. May kasama rin itong pwersa kaya tumalsik ang pinuno. Nadagdagan pa ang kaniyang sakit dahil tumama siya sa isang pader.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon