Shizuka
Hindi ko alam kung gaano kapanget ang itsura ko ngayon pero hindi ko rin naman gustong malaman.
"Shizuka. Laway mo."
Napapunas ako bigla sa gilid ng labi. Nang wala akong makapa ay agad kong nilingon si Noah at sinamaan ng tingin na tanging tawa lang naman ang isinagot niya.
"Biro lang ahahaha."
Langya!
Inirapan ko siya at muling yumuko.
Napakaganda ng kaharian ng Zenshin. Napakalawak. Ang mga bahay ay gawa sa bato na may naggagandahang desenyo. Kung titignan mo ay para silang nagkokompetisyon sa pagandahan ng tahanan dahil halos lahat ay maganda. Ang daan ay napakalawak. Bawat tahanan ay mayroong tila malawak na open space sa likod ng bahay nila na walang kahit na ano maliban sa lupa.
Kahit saan tumingin ay makikita mo ang Zenshin na busy sa ginagawa nila. Ang damit nila ay kulay kayumanggi at tila gawa sa mga balat ng hayop, puno at iba pa.
Bumalik na kami ni Noah na orihinal naming laki kaya naman kasalukuyan kaming nakasakay sa Hippogriff at patungo na kami sa dulo ng bayan ng Zenshin. Tila alam na ng mga Hippogriff ang daan kaya tuloy tuloy lang sila sa paglipad.
Hindi naman mataas ang lipad ng mga Hippogriff kaya kitang kita namin ang mga Zenshin.. at kitang kita rin nila kami. Ang iba ay nagpapatila at halatang nagtataka kung bakit may lumilipad na Hippogriff at may sakay na maliit na shin. Tulad nga ng sabi ko, duwende kami sa paningin nila. Higante naman sila sa paningin namin.
Masasabing ang mga Zenshin ay mapagmahal sa mga hayop. Kahit na malaki sila at kamay lang nila ang mga yun ay alagang alaga naman. Bawat gilid ng bahay ay tila mayroong animal farm. Hindi ko nga lang makita yung ibang hayop.
Napangiti ako ng mayroong sumabay sa amin na ilang Kargle. May mga tali sila kaya masasabing may nagmamay-ari sa kanila. Umikot ikot sila sa himpapawid pagkatapos ay lumayo.
Napalingon ako kay Noah ng may maalala ako. Magkatabi lang kasi ang Hippogriff na sinasakyan namin. Siya ang may dala ng mga bag na may laman ng mga pagkain, inumin at damit namin. Oo siya lang, bigla bigla niya nalang kasing kinuha ang sa akin at siya ang nagbuhat.
"Noah." Pagtawag ko.
Lumingon sya. "Hmmm?"
Paano ko ba to itatanong? Ahmmm...
"Kasing laki lang ba natin ang mga halimaw sa bundok--- ang ibig kong sabihin.. hindi naman siguro sila higante tulad ng mga Zenshin?"
Oras lang talaga na mga higante ang mga halimaw dun, magbaback-out talaga ako.
"Hmm sabihin na nating malaki nga ang mga halimaw dun pero.. hindi naman sila kasing-laki ng mga Zenshin."
Nakahinga ako ng maluwag.
Buti naman.
Tumingin nalang ako sa harap. Medyo malayo na rin ang nalilipad ng mga Hippogriff kaya masasabi kong malapit na kami sa dulo ng bayan.
"Shizuka."
Nilingon ko siya.
"Huwag na huwag kang aalis sa tabi ko."
Tinaas ko ang kamay ko at tinapat sa kilay ko. "Masusunod, kamahalan." Nginitian niya ko kaya naman nginitian ko rin siya.
Nang muli akong tumingin sa harap... nakikita ko na ang dulo ng bayan ng Zenshin. Unti unti na ring nababawasan ang mga tahanan sa ibaba. Mas bumilis ang lipad ng Hippogriff kaya naman hinigpitan ko ang kapit sa sinasakyan ko.