Kabanata 67

221 6 0
                                    

Sabrina

          Dahan-dahan akong napadilat.

          Nasaan ako?

          Sa umpisa'y malabo ang paningin ko ngunit makalipas ang ilang segundo ay luminaw na. A-ang liwanag... at bakit puro puno?

          "Sabrina?"

          Napa-angat ako ng tingin. Napakurap-kurap ako at nagtatakang tinignan siya. N-noah?

          "Mabuti't gising ka na. Ayos ka na ba? May masakit ba sa'yo?"

          Nawala ang pagtataka sa mukha ko nang makita ang sobrang pag-aalala sa mukha niya. T-teka... bakit ang lapit niya?

          "Pinag-alala mo ko."

          Huh?

          Agad akong napaupo ngunit napatigil din ako nang biglang manakit ang ulo ko. Napahawak ako rito at napayuko.

          Syet.

          Ang sakit ng ulo ko. Para akong uminom ng napakaraming alak. Nakararamdam pa ko nang kaunting pagkahilo at panghihina ng katawan.

          T-teka...

          Nakahiga ako kanina a-at nakapatong ang ulo ko sa hita niya? Napa-angat ako ng tingin at napatitig kay Noah na nag-aalala lang na nakatingin sa'kin. Masyado siyang malapit.

          Napakunot ang noo ko nang unti-unting nagbabago ang itsura niya sa paningin ko. Mula sa nakaupo at nag-aalalang si Noah na nakasuot ng pinaghalong itim at pula na damit ay unti-unting napalitan ng Noah na nakangiti habang nakasuot ng puti na nahahaluan ng asul at pula. Unti-unti ring nagbago ang paligid na mula sa puro puno ay naging... tila isang silid. Sa likod niya ay may dalawang babae at lalaki na nakangiti. T-teka... sino sila?

          "Sabrina?"

          Damn!

          Nakagat ko ang labi ko nang muling manakit ang ulo ko. Dinagdagan pa ng biglang pananakit ng mga kamay at paghapdi ng mata ko. Lumakas din ang tibok ng puso ko na tila nais nitong lumabas mula sa dibdib ko. Napapikit ako nang mariin at ilang beses na huminga nang malalim.

          Kaya ko pa. Kumalma ka Sabrina.

          "Sabrina?"

          Napa-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Noah.

          Tama... kaya ko pa.

          "Medyo... masakit pa ang ulo ko," saad ko.

          "Huh? Anong gagawin ko? Kailangan mo ba ng tubig? Pagkain? Gusto mo bang dalhin na kita sa iyong silid--- ahmmm h-hindi ko alam ang iyong silid pero pwede mo namang---"

          "Anong nangyari?"

          Napatigil siya pagkatapos ay napabuntong hininga. "Hindi rin ako sigurado pero mukhang nanakit nang husto ang ulo mo pagkatapos ay nawalan ka ng malay."

          Nawalan ng malay?

          Napayuko na lang ako.

          Bakit biglang nanakit ang ulo ko? Ang kamay, mata at buong katawan ko? Bakit nakakakita ako ng ibang imahe at nakaririnig ng ibang boses? Bakit nandun si Noah?---

          Agad akong napa-angat ng tingin nang maramdamang may dumampi sa noo ko. "Hindi ka na mainit tulad kanina."

          Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatingin sa kaniya. Lumipat ang kamay niya sa pisngi ko nang ilang segundo pagkatapos ay napabuntong hininga siya at lumayo.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon