Honoka
"Honoka! Pansinin mo naman ako!"
Napatigil ako sa paglalakad at nakakunot ang noo na nilingon si Sheun. "Kailangan mo?"
"Ang atensyon mo." Huh? "Bakit ba kasi hindi mo ko pinapansin? Galit ka ba? Dahil sa yakap yakap kita kanina?"
Naikuyom ko ang kamao ko. Magpigil ka Honoka. Magpigil ka. Sige na naman oh--- "Walanghiya kang hinayupak ka!" sigaw at sinugod siya. Hindi ako tumigil sa pagpalo at pagsuntok sa kaniya. Nakakainis talaga! "Alam mo naman ang dahilan, nagtatanong ka pa!"
Bakit ba kasi... bakit ba niya ko yakap yakap?!
K-kanina.. nagising na lang ako na nakahiga sa isang kakaibang puting usok a-at.. at.. nakayakap sa'kin si Sheun. Sobrang lapit niya na halos mahalikan na niya ang noo ko. Sobrang higpit ng yakap niya. Langhap na langhap ko ang nakakaadik niyang amoy... a-at.. ramdam na ramdam ko ang nakakapanindig balahibo niyang balat--- Arghh kinikilabutan ako!
"Yakap lang naman ah, anong masama doon?"
Anong masama?!
"Masama? Pwede ba, hindi natin kailangan ang kabobohan mo ngayon. Masama 'yun dahil babae ako at lalaki ka! At isa pa.. sigurado akong pinaandar mo ang kamanyakan mo habang natutulog ako. Kadiri."
Parang mas lalong nanindig ang balahibo ko dahil sa mga sinabi ko. Isipin ko pa lang na minamanyak ako ni Sheun.. parang gusto ko ng pumatay.
"H-hoy.. pinalaki ako ng may respeto sa babae ah."
Aba!
"Respeto? Sige, pag-usapan natin ang respeto. Pag-yakap na ba sa natutulog na babae ang bagong paraan ng pagpapakita ng respeto? Kung may respeto ka sa babae, hindi ka basta basta lalapit."
"Pero kaibigan kita---"
"Hindi ako nakikipagkaibigan sa tanga."
Natahimik siya dahil sa sagot ko. Natigilan din ako at napaiwas ng tingin. Sabi ko nga, sumobra nanaman ang bibig ko.
K-kasi naman.. sinong hindi maiinis kung magising ka na yakap yakap ng lalaking kinaiinisan mo. Sarap pumatay, jusmiyo!
"Natakot lang naman ako."
Napatingin ako bigla kay Sheun. Magsisimula nanaman ba siya?
"Mahuhulog tayo mula sa kalangitan.. kaya naman.. natakot lang ako na baka.. iyun na ang huling pagkakataong makikita kita... at makasama ka."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa lupa. Kita ko ang panginginig ng nakakuyom niyang mga kamao.
"Natakot ako na baka.. mawala ka. K-kaya naman.. sa huling pagkakataon.. gusto kong mayakap ka... at.. ikulong sa mga bisig ko."
S-sheun, matagal ko ng sinabi sa'yo... pigilan mo.
"At isa pa... alam ko ang pakiramdam na mahulog ngunit walang sumalo. K-kaya naman.. kahit na literal kang mahuhulog, hindi man kita magagawang masalo.. masasamahan naman kita sa pagkahulog at.. magagawa kong bawasan ang sakit na mararamdaman mo."
Rinig na rinig ko ang pagpiyok at garalgal niyang boses.
"Patawad dahil... hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko."
Nabuntong hininga na lang ako. Lagi naman eh.
Matagal na simula ng magtapat sa'kin si Sheun... pero.. hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya. Simula ng magtapat siya ay lagi siyang malambing sa'kin at laging sinasaad ang pag-ibig niya na walang hanggan daw.. na nakaaasar nang sobra. Matagal na rin ng sinabi ko sa kaniyang 'Tama na' na pigilan niya ang sarili niya dahil kahit anong gawin niya.. kaibigan lang ang tingin ko. Kaibigan lang na gustong gusto kong isubsob sa putikan.