Shizuka
"Rawr!"Mabilis akong tumakbo palayo ngunit mas mabilis ang halimaw. Sumugod ito sakin. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang puno.. na muntik ng matumba nang tamaan ito ng halimaw.
Isang kamay ang humawak sa mga braso ko at malakas akong hinila. Muntik na kong mapasubsob sa dibdib ni Noah dahil sa lakas ng pagkakahila niya. Sumugod samin ang halimaw... ngunit napahinto rin ito ng itinaas ni Noah ang kamay niyang nagliliyab. Tinamaan ng liwanag ng apoy ang mukha ng halimaw dahilan para makita na namin ng tuluyan ang itsura niya.
Naglalaway sya. Itim na itim ang tatlo niyang mata.
Pero hindi iyun ang nagpagulat samin.... kundi hindi nagwala o tila parang wala nalang sa halimaw ang liwanag na tumama sa kanya.
At muli... sumugod ang halimaw.
Isang lalaki ang tumulak samin palayo sa aming pwesto. Sakit ng katawan ang sunod kong naramdaman ng tumama ako sa nakausling ugat ng isang puno. Dahil sa mabilis na pasugod samin ang halimaw at umalis kami sa pwesto namin.. tumama ang halimaw sa isang puno na muntik na muling matumba.
"Hindi siya nasaktan sa liwanag ng apoy, Noah." saad ni prinsipe Makki.
"Halata naman, Makki." pag-singit ko na ikinasimangot niya.
Nilingon namin ang halimaw. Ginalaw galaw nito ang ulo niya na tila tinatanggal ang hilo dahil sa pagtama niya sa puno. Napalingon siya samin at muling sumugod. Mabilis kaming umikot palayo sa pwesto namin. At mula sa likod... tumatakbong sinalubong ni prinsesa Keira ang halimaw. Isang metro ang layo sa halimaw, mataas na tumalon ang prinsesa. Bumagsak siya sa ulo ng halimaw at muling tumalon. Habang nasa ere ay umikot siya habang hawak ang kanyang espada. Sunod sunod na hiwa ang nakita namin sa ibabaw ng halimaw dahil sa espada ni prinsesa Keira. Nang malagpasan ang halimaw ay bumagsak ang prinsesa sa lupa habang nakabend ang isang hita habang nakadiretso naman ang isa.
Ang halimaw ay agad na umikot upang makaharap sakin.. ngunit nagdire-diretso siya hanggang sa tumama sa isang puno ang kanyang likod na bahagi ng katawan. At mula sa puno.. patalon bumaba si prinsipe Aryan habang hawak hawak ang kanyang espada. Bumagsak siya sa ibabaw ng halimaw... kasabay nito ay isinaksak niya ang kanyang espada sa ulo ng Deltreh.
Umagos ang dugo mula sa sugat ng halimaw. Bumagsak ang kanyang ulo sa lupa at hindi na muling gumalaw. Nakapikit na rin ang tatlo nitong mata.
"Tapos!" Tuwang tuwang saad ni prinsipe Aryan at patalong bumaba mula sa ulo ng halimaw. Lumapit siya samin at nakipag-apir sa kapatid na babae.
"Kakaiba talaga kapag nagtutulungan kayong dalawa." saad ni prinsipe Noah.
"Iba kasi ang lakas ng magkapatid. Diba, Makki?" nakangiting saad ni prinsipe Aryan at nilingon ang kapatid.
"Huwag niyo kong kausapin." nakasimangot na saad ni prinsipe Makki dahilan para matawa ang dalawa niyang kapatid.
Grabe... tama nga sila. Malalakas ang mga Menshin. Walang takot nilang kinalaban ang isang halimaw sa lugar kung saan impossible silang manalo. Ang Deltreh.. kahinaan ang liwanag at kalakasan naman ang dilim. Sanay ang Deltreh sa at tila may suot na night vision dahil nakikita niya ang kahit ano sa dilim. Mabilis din na naghihilom ang sugat nito.
Pero ang Gaiji... kahit madilim at hindi ganoong nakikita ang halimaw. Nagawa nilang makipaglaban at talunin ito gamit lamang ang kanilang espada. Paano pa kaya kung gamit pa nila ang kapangyarihang tubig?