Kabanata 50

343 12 0
                                    

Shizuka

          Pakiramdam ko'y nanigas ako sa pwesto habang nakatingin sa kaniya.

          N-noah..

          "A-anong sinabi mo?" nanginginig kong tanong.

          N-noah..

          "Iligtas mo si Noah. Nagmamakaawa ako---"

          "Magpaliwanag ka!" sigaw ko na siyang nakapagpatigil sa kaniya. Naningkit ang mata ko at ikinuyom ang aking kamao.

          "Shizuka," rinig kong pagtawag ni Sera.

          H-hindi.. N-noah.. a-anong nangyari sa'yo?

          "Patawarin mo ko."

          Stercore.

          "Sinabi ng magpaliwanag ka!" Halos umalingawngaw sa malawak na silid ang sigaw ko. Ito na rin ang nagpagising kay Bella na ngayon ay gulat na nakatingin kay Kevin na nakayuko at nanginginig na nakatayo sa harap ko.

          Iligtas? Mula saan? Sa mga halimaw? T-teka.. malakas si Noah! Alam kong kaya niya! P-pero... puro puno ang paligid.. k-kung gagamitin niya ang apoy ay paniguradong masusunog ang kagubatan... h-hindi naman siguro..

          "Shizuka, tama na," rinig kong mariing sambit ni Sera na may tonong pagbabanta.

          H-hindi pwede.. hindi pwedeng mapahamak si Noah.

          "Naghahanap ako noon ng makakain namin ni Bella nang makita ko si Noah na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng puting usok. Nang magising siya, nagmakaawa siyang tulungan ko siya upang mahanap ang mga kaibigan niya. Ang tanging paraan lang na naisip ko upang tulungan siya ay ang bumalik sa tahanan namin ni Bella at--- at habang naglalakbay pauwi... biglang lumitaw ang napakaraming salamangkero."

          S-sorcerer..

          "Alam kong nanghihina si Noah noon base na rin sa galaw niya, itsura at pagsasalita pero buong tapang pa rin niyang kinalaban ang mga salamangkero. Wala akong laban sa kanila kaya nanahimik na lang ako sa gilid. Lumalaban si Noah habang.. pinoprotektahan ako mula sa kanila."

          Napayuko na lang ako. Pinoprotektahan.. hanggang dito ba naman.. iisipin niya pa rin ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya.

          Alam ko na ang patutunguhan ng paliwanag niya.

          "Malapit na niyang matalo ang mga salamangkero ngunit bigla akong ginamit ng isa sa kanila. Papatayin niya raw ako kung hindi sasama si Noah.. a-at.."

          "Sumama siya," pagsingit ko at tinignan siya. Napatigil siya sa pagpapaliwanag at gulat na tumingin sa'kin. Nanatili sa kaniya ang galit at maluha-luha kong mga mata.

          "Sumama siya dahil sa'kin... para iligtas ako."

          Para sa isang elf..

          "P-pero.. hindi sinunod ng mga salamangkero ang napag-usapan, nang makaalis si Noah ay sinubukan akong paslangin ng isa kaya naman buong tapang akong tumakbo palayo. Natakasan ko sila pero mga halimaw naman ang humarap sa'kin---"

          "At doon kami dumating upang iligtas siya," pag-singit ni Sera.

          "Bago kami maghiwalay ni Noah ay binalaan niya ko. Huwag na huwag ko raw sasabihin sa inyo kung nasaan siya.. lalo na sa'yo, Shizuka."

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon