Shizuka
Nanginginig ako habang nakatingin sa mga dugo sa aking palad. Hinintay ko na sumakit ang aking ulo at katawan ngunit... walang nangyari.
Napatitig ako sa palad ko pagkatapos ay kay Noah na nakatingin din sakin.
Matapos kong makita ang dugo sa palad ko, walang nangyari. Isa lang ang ibig sabihin nito....
"Hindi ko ito dugo." mahinang saad ko pagkatapos ay dahan dahang napatingin sa braso ni Noah. Natakpan ko ang bibig ko gamit ang isa ko pang kamay. Punong puno ng dugo ang braso ni Noah pero... wala syang sugat.
Sigurado akong sa kaniya ang dugo na iyun. Ngunit wala siyang sugat.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko.... na maaring kusang naghilom ang kaniyang sugat tulad ng sa mga lamia. Idagdag pa na kapag nawawalan siya ng kontrol ay pang-lamia ang kaniyang kilos.
Napakurap kurap ako at nalipat ang tingin sa mukha ni Noah. Ang seryoso niya. Tila sa isang iglap ay bumalik ang malamig na si Noah.
Agad akong naglakad patungo sa likod niya at binuksan ang supot. Basta basta nalang akong kumuha ng isang tela mula sa loob at walang sabi sabi na kinuha ang braso ni Noah at pinunasan yun.
Walang nagsasalita sa aming dalawa. Mahahalata sa kaniya na malalim ang iniisip niya dahil nakatulala siya.
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at kinuha ang tela na pinang-punas ko sa braso niyang maraming dugo. Ngayon ko lang napansin na iyun pala ay damit niya.
Walang sabi sabi na tumalikod si Noah at naglakad palayo. Nanatili ako sa pwesto ko at sinundan siya ng tingin.
Naiintindihan ko siya.
Alam kong pumasok nanaman sa isip niya ang katotohanang hindi siya isang prinsipe ng palasyo ng Fudoshin at sigurado akong bumalik ang sakit na nararamdaman nya dahil sa kanyang ina. Ngunit mas sigurado ako... na iniisip niyang may dugo siyang lamia dahil sa mga nangyayari sa kaniya.
Napabuntong hininga ako at nagsimula ng sundan siya. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng binti ko ngunit ininda ko na lamang ito.
Kailangan naming bilisan upang agad na naming mahanap ang apat na nilalang na makakatulong sa amin. Nang sa gayong... masagot na ang lahat ng katanungan namin.
At makita ko ang tunay na saya sa mga mata ni Noah.
KUNG hindi lamang ako nakakaramdam ng sakit ay kanina ko pa nasaktan si Noah.
Walang hiya! Nangna talaga!
Ilang beses na kong muntik matumba at masubsob sa putikan dahil sa binti ko pero tuloy lang siya sa paglakad at tila wala lang sa kaniya ang dinaraanang putik na halos kulang nalang ay lumubog na ang kaniyang mga paa. Ni hindi niya man lang ako nagawang pansinin at lingunin.
Tulad ng sinabi ko kanina, maputik na ang daraanan namin at pababa. Pero hindi ko inaasahan na ganito kaputik na halos hindi ko na makita ang paa ko dahil lumulubog. Mabuti nalang talaga at hindi natatamaan ang sugat sa binti ko. Sa tingin ko naman ay ordinaryong gubat lang ang dinaraanan namin, wala naman kasi akong napapansing kakaiba sa paligid maliban sa sobrang putik na daan.
Ilang beses akong huminga ng malalim para mawala ang inis ko. Intindihin mo muna si Noah, Shizuka. Intindihin mo muna.
"Arghh kainis!" mahinang saad ko.