Grabe, sobrang tagal na simula ng umpisahan ko ang storyang ito, tingin ko'y sinimulan ko ito noong ako'y nasa ikapitong baitang ngunit ngayon ay magko-kolehiyo na ko (sa pasukan). Ito ang kauna-unahang storya na natapos ko, tunay na kakaiba sa pakiramdam na tuluyang matapos ang matagal ng pinagpaguran.
Ilang taon ang lumipas upang matapos ang dalawang libro. Aaminin ko po na naranasan ko ang isa sa mga pinakamahirap na sitwasyon para sa isang manunulat, at iyun ay ang mawalan ng interes sa paglikha at pagsulat. Sa tipong pilitin man ay walang pumapasok na ideya. Pero.... sa wakas ay nagawa ko itong lagpasan at tuluyang natapos ang storya.
Maraming marami pong salamat sa mga mambabasang nagawang pagtyagaan at tapusin ang storyang ito. Ang aking pasasalamat ay hindi mapapantayan ng kapangyarihan ni Shizuka (hehehe).
Ang inyong manunulat ay mayroon din pong hilig sa pagguhit.. naisipan ko pong lumikha ng mga larawan para sa bawat karakter ng storya.
Sana po'y magustuhan ninyo.
Ang susunod na tatlong larawan ay nailikha nang ako'y baguhan pa lamang sa pagguhit.. kaya naman mayroon po akong pinaggayahan.