Shizuka
Pakiramdam ko ay nanigas na ko sa aking pwesto habang nakatingin sa ibaba.
Napakarami nila. Sobrang dami. Lahat ay mahahalatang malakas. Lahat ay siguradong matataas ang ranggo. Pero hindi ang dami ng mga lamia ang siyang tunay na nagpakaba sakin.... kundi ang isang napakalaking halimaw na di kalayuan. Nakapikit ang malaki at nag-iisang mata nito. Nakakalat sa paligid ang mga galamay nito na halos hindi na mabilang. Natutulog ang mga ahas sa ulo nito. Mas nakakatakot pala ang Ranaske kapag nakita mo ito sa personal.
Hindi kalayuan sa gilid ng halimaw ay mayroong walong tent. Naglalabas pasok ang mga lamia sa tatlong na tent. At ang natitirang tent ay tila iniiwasan ng mga lamia. Sigurado akong naroon ang Shindae.
"Binibini?"
Napalingon ako... tatlong lamia ang nakatayo ilang metro malayo sa akin. Masama ang pagkakatingin nila habang mahigpit na hawak ang kanilang espada. Dalawang espada bawat isa.
Unti-unti akong napangiwi. "H-hi--- ahhhh." Napatili ako nang biglang nawala ang lamis a gitna. Inangat ko ang kamay ko at hihilingin na sana nang bigla---
"Tigil!"
Napasinghap ako nang makitang sobrang lapit na sa akin ng lamia. Kaunti nalang ang layo ng espada niya sa leeg ko. Ang isa niya namang espada ay nasa tagiliran ko na kaunting galaw ko lang ay mapupunit na ang damit ko.
Nginitian niya muna ako bago lumayo. Dahan-dahan akong napalingon at napatingin sa ibaba. Halos lahat ng lamia ay nasa gilid, nakatingin sakin habang hawak ang mga espada nila. At sa bandang gitna, isang lalaking ang nakatayo habang nakangiting nakatingin sakin. Mahahalatang may katandaan na ito pero napakalakas ng aura niya. Itim ang kasuotan mula baba hanggang taas.
"Hindi ba't sinasabi ko sa inyo na huwag sasaktan ang dalaga?!" malakas na sigaw nung matanda. Napa-atras ang mga lamia ganun din ako. N-nakakatakot siya.
Naglakad siya ng ilang hakbang palapit sakin at itinaas ang kaniyang kamay. "Ayos ka lang ba, binibini?"
Napakunot ang noo ko. S-sino ba siya?
"Mahirap makipag-usap ng nakatingala, binibini. Halika, bumaba ka riyan at mag-usap tayo."
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kaniya. Kita kong napabuntong hininga siya bago ibinaba ang kaniyang mga kamay at hinarap ang mga lamia.
"Magsibalik kayo sa trabaho niyo!" malakas na sigaw niya bago muling humarap sakin. "Tinatakot niyo ang dalaga."
Walang pagdadalawang isip na sumunod sa kaniya ang mga lamia. Isinabit nila ang espada nila sa kanilang tagiliran. Ang tatlong lamia naman na siyang nakakita sakin ay bumaba at sumama sa ibang lamia.
"Huwag kang matakot, binibining Shizuka. Hindi ka namin sasaktan." Nanatili akong nakatingin sa kaniya. "Kung nais mo, upang ipakita na wala kaming gagawing masama. Sasagutin ko ang lahat ng katanungan mo."
T-teka...
"Berlano nga pala ang pangalan ko."
B-berlano.... Isa sa mga shin na nakatakas! At siya rin ang tinutukoy ni Kyler na pinuno nila!
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Walang pagdadalawang isip na tumalon ako pababa ngunit hindi ako lumapit sa kaniya.