Kabanata 26

345 11 0
                                    

Shizuka

          "Ama! Ina!"

          Pakiramdam ko ay nanigas ako sa pwesto ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa bahay nila Honoka.... b-bahay nilang sunog na. Hindi na halos makilala ang bahay at wala ng natirang maayos na gamit.

          Hindi na napigilan ni Daisuke si Honoka na mabilis na tumakbo papasok ng bahay nila. Sumunod kami sa kaniya. Kasama namin ang Maizuka maliban kay prinsipe Timothy.

          Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Buong akala ko ay magiging madali na lang lalo pa't kilala na namin kung sino ang hahanapin pero... w-wala.... wala sila.. at walang nakakaalam kung nasan sila. At isa pa, mag-aalala ba ko sa magulang ni Honoka? Iisipin ko ba kung ayos lang sila?... O hindi.. dahil makapangyarihan ang ama't ina ni Honoka at makakaya nilang talunin ang sino man.

          Hinayaan lang muna namin si Honoka na halos ikutin na ang buong bahay nila na sa totoo lang... hindi na naman kailangan dahil wala na nga siyang bahay. Sunog lahat. Walang bubong, walang dingding. Puro alikabok na lang at kaunting sirang gamit.

          Biglang tumakbo si Honoka patungo sa hardin. Sa hardin kung saan nag-usap kami ni Ginang Megumi, nang kaming dalawa lang. P-pero... hardin pa nga rin bang matatawag.. dahil maski ang mga halaman at bulaklak ay mahahalatang hindi pinatawad ng apoy.. sunog.. wala na.

          "Malakas ang magulang ni Honoka." Napalingon ako kay prinsipe Sheun nang bigla siyang magsalita. Magkatabi kasi kami.

          "Sigurado akong ligtas sila ngayon pero..." Naningkit ang mga mata niya. "Nasaan sila? At bakit hindi sila dumiretso sa kaharian ng Fudoshin upang ipagbigay alam ang nangyari?"

          "Kailangan bang ipagbigay-alam nila? M-malay mo hindi nila sinabi para hindi mag-alala si Honoka." saad ko.

          Napalingon sakin si prinsipe Sheun. "Parte ng grupong Naoshin si Tiya Megumi at Tiyo Zach."

          T-teka... sa pagkakatanda ko ay sinabi sakin ni Hikari na importante ang magulang ni Honoka sa Nirvana. Pagiging parte ng Naoshin marahil ang dahilan.

          "Importante sila sa Nirvana kaya nararapat lamang na masiguradong ligtas sila." dagdag ni prinsipe Sheun.

          "Pero bakit kailangan pa nilang manirahan dito sa bundok? At isa pa... buong akala ko ay pinatalsik sila sa kaharian ng Fudoshin?"

          "Pinatalsik ngunit hindi tinanggal sa pwesto. Ibig sabihin, magsisilbi sila sa Nirvana ngunit hindi sila maaring manirahan muli sa kaharian ng Fudoshin."

          Napatango nalang ako.

          "Sigurado ako na kaya gan'yan ang reaksyon ni Honoka ay hindi sa pag-aalala... kundi sa galit. Hindi man lumaki si Honoka sa bahay na ito, pero dito nanatili ang magulang niya nang mahabang panahon." saad niya habang nakatingin kay Honoka na nakikipagtalo kay Hikari. Nagulat kami ng mapansing ang pag-guhit ng galit sa mukha ni Honoka bago tumakbo palayo.

          "Honoka! Sandali!" sigaw ni Hikari at sumunod kay Honoka. Mabilis na sumunod ang Shindae at Maizuka. Naiwan ako... mag-isa. Susunod na sana ako ngunit napatigil ako dahil sa isang pakiramdam... pakiramdam na siyang nagpapakaba sakin.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon