Kabanata 14

415 18 0
                                    

Shizuka

          Palaisipan pa rin samin hanggang ngayon kung sino ang gumawa ng harang sa kagubatan.

          Dalawang araw na ang lumipas simula ng mangyari ang pagdating ng mga halimaw. Nag-utos na ang prinsipe't prinsesa na alamin at tuklasin kung sino ang gumawa ng harang. May iilang nakatatandang Zenshin ang nagtungo sa kagubatan upang pag-aralan ang harang na tangkay. Ngunit wala kahit isa sa kanila ang nakapagbigay ng impormasyon dahil ngayon lang daw nila nakita ang ganoong klaseng tangkay. Binalak nilang pumutol na kahit maliit lamang upang pag-aralan ngunit kahit anong gawin nila ay hindi nila ito maputol.

          Isang kautusan mula sa hari't reyna ang dumating at sinabing hayaan na lamang ang mga tangkay. Ngunit dapat daw na mahanap at malaman kung sino man ang gumawa nun at ang tumulong samin.

          Napabuntong hininga ako bago huminto sa harap ng pinto ng silid ng Shinizu.

          Ngayon na ang alis namin. Tutungo na kami ni Noah sa kaharian ng Menshin. Nakapagpadala na siya ng sulat sa prinsipe at tulad ng nangyari rito sa kaharian ng Zenshin, tanging ang grupong Shinai-yo ng Menshin lamang ang makakaalam ng pagtungo namin.

          Pero... kagabi. Nakatanggap kami ng sulat mula sa prinsipe ng Menshin. Kailangan daw nila ng tulong namin. Hindi sinabi sa sulat kung bakit. Pero ayon kay Noah, bilang lang sa kamay na nanghingi ng tulong ang kaharian ng Menshin kaya maski siya ay naguguluhan at atat ng malaman ang dahilan ng paghingi ng tulong ng kaharian.

          "Tatayo ka nalang ba diyan?"

          Muntik na kong mapatalon dahil sa gulat. Binuksan niya ang pinto at nauna ng pumasok. Nasa loob at kompleto na ang grupong Shinizu. Pumasok na rin ako.

          "Ang tagal niyo ah." saad ni Layla.

          "Nakaharang kasi si Shizuka sa pinto." saad ni Noah. Napasimangot ako. Malay ko bang napahinto pala ako kanina.

          "Nakahanda na ang mga Hippogriff na sasakyan niyo..." Huminto sa pagsasalita si prinsipe Liam at tinignan ako.

          "Wahh paalam na binibining Shizuka----" Hindi natapos ni prinsipe Liam ang sasabihin niya dahil bigla siyang inakbayan ni Noah.

          "At paalam din sayo Noah." nakangiwing saad ni prinsipe Liam.

          Napailing nalang ako dahil sa dalawa. Napalingon ako ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko.

          "Natutuwa akong makilala ka Shizuka at masaya ang bawat sandaling kasama ka namin, nakakalungkot lamang dahil aalis na kayo."

          Bakit biglang hinhin si prinsesa Dalia? At ang pormal niya magsalita?

          "Wahhh Shizuka!"

          Muntik na kong matumba dahil sa biglaang pagyakap sakin ni Layla. Napangiwi ako dahil kulang nalang ay ngumuwa siya sa dibdib ko.

          "Pwedeng huwag ka ng sumama at hayaan mo nalang si Noah mag-isa?"

          "Hoy!"

          Natawa ng mahina si Layla dahil sa biglaang pagsigaw ni Noah. Hinila ni Noah si Layla palayo sakin pagkatapos ay hinila ako palapit sa kaniya.

          "Aalis na kami." saad ni Noah pagkatapos ay hinawakan ang magkabila kong balikat habang tinutulak ako patungo sa isang pinto. Sa pintong pinasukan namin ng una kaming magtungo rito.

          "Iwan mo dito si Shizuka!" rinig kong sigaw ni prinsipe Liam.

          "Ibalik mo siya!" sigaw naman ni Layla. Lilingon na sana ako ngunit isang kamay ni Noah ang pumigil sakin.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon