Third Person
"Kamahalan."
Nanatiling nakatitig sa kanila ang apat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala sa nakikita.
Paanong narito sa kalupaan ang mga diwata? Sa pagkakatanda nila'y napakalayo at sa isang mahigawang dimensyon sila naninirahan, paano sila napunta rito sa kalupaan?
"Ahmm... kamahalan?"
Napakurap kurap si Hikari pagkatapos ay nalipat ang tingin sa kaharap. Isang babae na nakasuot ng puti na nahahaluan ng asul mula ulo hanggang paa, ang kaniyang pakpak ay kulay asul, at kasalukuyang may hawak na maliit na piraso ng kahoy. Sa likod ng babae ay mga lalaking diwata na may kaparehas na kulay ng pakpak at damit.
"P-paanong... naririto kayo?" tanong ni Hikari.
Napangiti ang babae. "Gustuhin ko man pong sagutin ang inyong katanungan, wala na pong oras. Kailangan niyo na pong bumalik sa palasyo ng Fudoshin," sagot ng babae kasabay ng pagbigkas ng ilang salita. Matapos ang ilang segundo ay isang portal ang lumitaw sa bandang kanan.
Hindi nakasagot ang tatlo at napatitig sa portal. Si Honoka naman ay naniningkit ang mata na nakatingin sa mga diwata.
"Paano kami nakasisigurong tunay kayong kakampi na diwata?"
Napatigil ang lahat maliban sa babaeng tila pinuno ng grupo ng mga diwatang kasama nila.
Sino ba namang magtitiwala agad sa mga nilalang na una mo pa lang nakilala? Idagdag pa ang katotohanang mga nilalang na pinagkatiwalaan ang dahilan ng kanilang pagkahulog.
Tila dahil sa nangyari, pahirapan ng makuha ang tiwala ng Shindae.
"Hindi na po ako magtataka kung hindi niyo kami magagawang pagkatiwalaan. Ngunit, tingin ko'y sapat na ang simbolong ito upang patunayang kami'y kakampi," sagot ng babae at itinaas ang kaniyang pang-itaas na damit. Isang simbolo ng mga diwata ang kasalukuyang nakataktak sa bandang tagiliran ng babae. Itinaas din ng mga kasamang lalaki ang kanilang damit at halos lahat sila ay pare-parehas lamang ang tatak.
Ang simbolo ng mga diwata na ang tanging mga tapat lamang ang mayroon. Lumilitaw ito sa tagiliran ng mga diwata dahil sa reyna. Kung makaramdaman ng kakaiba ang reyna sa isang diwata ng pagtataksil ay kusang maglalaho ang simbolo.
Ang reyna ang siyang ina ng bawat diwata. Alam niya ang bawat kilos nila at ramdam niya ang nararamdaman nila.
"Ginoong Daisuke."
Napalingon sila sa lalaking diwata.
"Kami na pong bahala sa Peuyie na nasa inyong balikat."
"P-peuyie?"
"Iyun po ang ngalan ng kaniyang lahi."
Agad na hinawakan ni Daisuke ang nilalang sa kaniyang balikat na pinangalanan niyang Lilith pagkatapos ay tinitigan.
Paanong alam ng mga diwata ang tawag sa lahi ni Lilith?
Wala ng nagawa si Daisuke kundi ang ibigay si Lilith sa lalaking diwata, kusa namang sumama ang maliit na nilalang at pumatong sa balikat ng lalaki.
"Bumalik na po tayo sa palasyo." Nagbigay galang ang babaeng diwata bago mabilis na pumasok sa portal.
Nagkatinginan muna ang Shindae bago tuluyang pumasok sa portal. Nakaramdam sila ng init sa katawan at matapos ang ilang segundo ay nagbago ang paligid. Isang may kalakihang silid ang tumambad sa kanila. Napakaraming simbolo ang nakaukit sa pader at kisame. May mahabang mesa kung saan may nakakalat na mga kagamitan at papel. At napakaraming shin na ngayon ay natigilan at gulat na nakatingin sa Shindae.