Kabanata 39

329 13 1
                                    

Shizuka

          Naikuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa isang papel at isang panulat na nasa harapan ko. Bukas na kami aalis at nais kong bigyan ng sulat si prinsipe Yuki na hindi niya makalilimutan. Naliwanagan na kasi ako at nais kong siya rin.

          Kanina pa ko nakatitig sa papel pero wala pa rin akong masulat. Napapikit na lang ako at umubob sa mesa.

          Sana tama ako. Sana talaga!

          Napadilat ako nang maalala ang pag-uusap namin ni prinsipe Yuki noong isang araw.

**
          "Tutal, ito palang ang unang pagkakataon na makarating ka sa kahariang Haikushin. Nais mo bang ilibot kita sa aming mansyon?" Napakunot ang noo ko. "May ipagtatapat na rin sana ako."

          Hindi ako sumagot. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na lang ako.

          "Nagtungo ako sa kaharian ng Menshin bago kayo magtungo rito. Nais ko kasi silang tulungan sa muling pagbangon nila matapos ang nangyari sa kanilang puno ng Mategen. Pero..." Huminto siya sa pagsasalita at nilingon ako. "May nalaman ako."

          Nanatili akong nakatingin sa kaniya. "May isang Menshin ang nagtraydor."

          Hindi ako nakapagsalita. A-ano?

          "Nalaman ko ito matapos marinig ang pag-uusap ng reyna at hari. Alam kong masamang makinig sa pag-uusap ng iba ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ayon sa mahal na hari, isang Menshin ang nagsabi sa mga lamia na paparating kayo. Kaya naman nang mismong araw na nakarating kayo roon... ay ang pagsugod ng mga lamia."

          Unti-unti akong napayuko. T-traydor... isang taksil na shin sa kaharian ng Menshin.

          "Iyon din ang dahilan kung bakit ng makarating kayo sa tunay na daan papunta sa bundok ng Karuma ay umatake agad ang Pyotim at nakuha kayo nila Huakin gamit ang kulay kahel na ipo-ipo. Nakaplano na ang lahat, bago pa man kayo makalabas ng bundok. Naka-abang na ang mga lamia, at hinihintay nalang kayo."

          Unti-unti kong naikuyom ang kamao ko.

          "Alam ng mga lamia ang plano niyo, iyun ay dahil sinabi sa kanila ng isa sa mga nakakaalam."

          Tanging ang Gaiji, Shindae at ilang nakatataas na shin lang ang nakakaalam ng plano. Ibig sabihin.. may katungkulan sa palasyo ang nagtraydor.

          "Hindi ko na narinig ang iba pang pinag-usapan ng hari't reyna dahil umalis na sila." Huminto sa paglalakad si prinsipe Yuki pagkatapos ay hinarap ako dahilan upang mapahinto rin ako. "Shizuka, hindi ako sigurado pero... sa tingin ko ay isa sa myembro ng Gaiji ang traydor."

          H-hindi..

          "Ganun din sa grupong Maizuka."

          Hindi! Nagkakamali si prinsipe Yuki! Walang myembro ng grupong Shinai-yo ang nagtataksil! Wala... sana wala.

          "Matagal ng naninirahan ang mga lamia sa Saikushin, hindi ba? Sinabi iyun sayo ni Berlano. Shizuka, nagtagal ang mga lamia dahil may tumulong sa kanila, tulong mula sa isang shin na may katungkulan sa palasyo."

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon