Joy's POV
Naramdaman ko ang pagsunod saakin ni Tristan.
Dami pa kasing arte. Sasama rin pala.
Hindi ko naman planong makasama siya ngayon. Nataranta lang talaga ako nang dumating si Tita Stella sa condo unit namin ni Jaz.
Buti na lang at nakaisip ako ng palusot.
Sinabi kong baka may lakad si Jaz ngayon na hindi ko alam.
Though hindi ako sigurado kung kailan ko to kayang panindigan.
Sakto namang tumawag ang mommy yata ni Tristan kay Tita at sinabing baka nasa date daw si Jazmine. And on cue naisip kong tawagan siya ng sa ganon magmukha talagang totoo ang palusot na sinabi ko kay Tita.
Matapos ang mahabang lakaran narating din namin ang hinahanap ko.
"Hoy anong ginagawa natin dito?"
Tanong ng nakabusangot na si Tristan."Ano bang ginagawa sa turo-turo?"
Balik tanong ko sakanya.
"Ano? T- turo-turo?"
Natawa ako ng bahagya sa pagkakasabi niya. Ang arte kasi. Dinaig pa ang mga kano na nag aaral managalog.
"Eto oh. Turo-turo tawag dito. O kaya karenderya. Eatery sa english. Okay na? Kakain ako dito. Nagugutom na ko e."
Paliwanag ko."What?! Diyan ka kumakain? Are you crazy? That's only for the poor."
"Alam mo ke mayaman ka o mahirap pare pareho lang tayong may bituka. Kaya bahala ka kung ayaw mong kumain. Basta ako nagugutom na ko kaya kakain ako."
"Tsk. I'm not hungry."
Sabay talikod saakin. Nang bigla na lang may tumunog.*krugggggggg!!
Pinigilan kong tumawa ng makita siyang humarap saakin na napapakamot pa sa ulo.
"Iba pala ang sinasabi ng bibig sa sinasabi ng tiyan mo. Hahaha."
Narinig ko pa siyang bahagyang nagmura.
And then he goes again. Staring at me with his angry eyes.
But I had to admit nakakatunaw ang mga tingin niya.
Yon yung klase ng tingin na matatakot ka at the same time matutunaw ka.
"Shut that mouth of yours."
Yon lang ang sinabi niya saka naupo sa upuan na katapat ko.
"Anong gusto mo? Meron silang bulalo dito. Yun yung specialty nila."
"Chicken adobo."
"Adobong manok. Yun lang?"
"Of course not. Syempre may rice. Engot."
"Ang sungit mo naman. Syempre given na talaga yon. Kainis ka. Diyan ka muna nga."
Umalis ako sa upuan ko at saka umorder.
Dito ako palaging kumakain kapag namimili ako sa palengke.
Minsan lang naman ako napapadpad dito kaya di nila ako kilala sa pangalan.
Safe naman ang identity ko kung sakali.
Umorder muna ako ng adobong manok saka ako namili ng para sakin.
Waaahhh. Meron sila ng paborito ko.
Inorder ko na lang yung paborito ko. Bihira na nga ako makakain ng ganon e.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Teen FictionInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...