Tristan's POV
Time check 3 am.
Maaga akong nakauwi sa bahay pero hanggang ngayon ay gising pa rin ako.
Hindi ko maalis si Joy sa isip ko.
Peste! Nalintikan na.
Mukhang gusto ko na nga siya.
I don't know this feeling. Bago to para sakin.
I've been in a lot of relationships before. But this is the first time I feel this way. Yung pakiramdam na masaya ka kahit wala namang magandang nangyari sayo. Yung feeling na you want someone in your possession.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad akong nagsearch. Hindi ko to ginagawa noon. Pero gusto ko lang malaman kung normal pa ba tong nararamdaman ko.
Just to make sure I'm not crazy.5 signs that you like a girl
1. You can't take your eyes off her.
Seriously? All this time siya na lang palagi ang tinitignan ko.
2. You always think about her.
Kagaya ngayon? I dont know but she's always on my mind.
3. You do not see any attractive girls around you.
Like Jazmine. No doubt about it. She's pretty. I remember the day I asked her to kiss me. Akala ko pwede ko rin siyang magustuhan. But even after we kissed I can't seem to find myself feeling attracted to her.
4. You feel jealous.
That fucking jealousy. I don't even know that such word exist until I see her with someone else. Parang gusto ko na lang palaging manapak.
5. She makes your heart beat fast.
I put my hand in my chest.
Tug dug! Tug dug!
Kanina pa hindi kumakalma ang puso ko. And it all started after that kiss.
I'm doomed!
I think I like her.
Pero bakit? She's not even my type.
Hindi siya pasok sa standards ko.Lagi kaming nag aaway at hindi kami magkasundo.
Is it possible?
To like someone you hated at first?
Joy's POV
Buong gabi akong di nakatulog.
Yes. Buong gabi. Dati exams at project lang talaga ang pinag pupuyatan ko.
Pero simula ng nakilala ko si Tristan pakiramdam ko may nabago sa takbo ng buhay ko.
"Sis? May problema ka ba?" tanong ni Jane.
Nandito ako para sa lesson namin. Ilang araw din kasi akong absent. Kaya naman kailangan kong bumawi sakanya.Mabuti na nga lang at walang pasok ngayon. Dahil hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin si Tristan.
Ang epic naman kasi ng ginawa ko e.
"Sis?"
"Ah. Jane ano nga ulit yon? " tanong ko.
"You're spacing out. Thinking of someone? "
"Ha? Wa-wala naman akong iniisip." deny ko.
"Sure? Hindi ba si... Ahmm.. Sis can I ask you something?"
"Ano yon Jane?" sabi ko.
"I just want to ask if.. If .." sandali siyang natigilan. Parang nag aalangan siya kung itutuloy ba niya o hindi ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
JugendliteraturInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...