Tristan's POV
Matapos naming pagmasdan ang araw ay dinala ko siya sa may damuhan sa ilalim ng puno.
Doon kami nagbreakfast. Syempre pinaghandaan ko ang araw na to.
Today is our first monthsary. Hindi ko pa naranasan mag celebrate ng ganito dahil hindi naman nagtatagal lahat ng relationships ko noon.
Kaya nga nagtanong na naman ako sa google kagabi. Potek! Bestfriend na yata talaga kami ni google. Napaka galing niya kasi. Ang dami niyang alam. Hahaha.
Naghanda ako ng maraming pagkain. Syempre pinaluto ko na to sa cook. Hindi naman ako marunong magluto. Si Joy ang magaling sa ganyan. Mana siguro sa mama niya.
Picnic date ang set up namin ngayon. Ang romantic nga dahil kaming dalawa lang ang tao dito. Napaka tahimik. At solong solo ko ngayon ang taong mahal ko.
Tumingin ako sa wrist watch ko. Ilang minuto na lang pala at monthsary na namin.
Kaya hinanda ko na ang sarili ko.
Tahimik lang siyang nakasandal sa may puno habang pinagmamasdan ang mga windmill.
"Sweetie" sabi ko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.
Napaharap naman siya saakin.
"Ano yon sweetie?" tanong niya habang tinitignan ako.
"Last month you made me feel the most happiest man alive. Dahil yun sa sagot na binigay mo sakin." napangiti ako habang hawak pa rin ang dalawang kamay niya.
Kitang kita ko kung paano siya ngumiti ngayon habang nakatingin sa mga mata ko.
"At exactly 9:15am last month you said yes to me sweetie. And today is our first monthsary. Happy monthsary sweetie. Mahal na mahal kita." sabi ko.
Nakita kong unti unting tumulo ang luha niya. Agad ko naman yong pinunasan.
"Shhhh. Bakit ka umiiyak?" sabi ko.
"Kasi..Kasi.. Akala ko nakalimutan mo na e."
I pull her closer to me and hug her tight.
"Of course not. Hinintay ko lang yung exact time para batiin ka."
"Sweetie mahal na mahal din kita. Happy monthsary." sabi niya habang nakayakap saakin.
Humiwalay ako sakanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Then I move my face closer to her.
Napangiti na lang ako ng makita kong pumikit siya.
I kiss her forehead first. Then I kiss her nose. Before I kiss her lips.
Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing hinahalikan ko siya.
I slowly move my lips and deepen the kiss. Her lips are so addictive. Pakiramdam ko nalalasing ako sa bawat halik na ibinibigay niya saakin.
Saglit akong humiwalay sakanya.
"Can I have your whole time today sweetie?" tanong ko. Gusto ko kasing masolo siya ngayon. Buong araw.
Tumango lang siya at ngumiti.
Damn! This girl is so pretty. Lalo na kapag ngumingiti siya.
Ang saya ko. Ang saya saya ko! Dahil isang tulad niya ang nagmamahal saakin.
Napakaswerte ko dahil siya ang girlfriend ko.
Napangiti na lang ako bago ko muling inangkin ang mga labi niya.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Teen FictionInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...