Tristan's POV
"Pwede ba kitang.. "
Shet! Bakit ganito na lang kabilis ang tibok ng puso ko?
Nahihirapan tuloy akong magtapat kay Joy.
Hindi ako sanay sa ganito e. I dont confess my feelings to anyone before. Kasi nga babae ang nag coconfess saakin. Siya pa lang talaga ang taong gagawan ko ng ganito.
Pero pakshet lang talaga. Dahil ang hirap hirap pala nito!
"Li.... Maging kaibigan? "
Fuck! Hindi ko nasabi yung gusto kong sabihin.
Nakita kong nagulat siya. Napatingin siya saakin.
Pakiramdam ko nag init ang mukha ko sa ginawa niyang yon.
Ano ba yan! Nagbublush pa ata ako.
"A.. Anong sabi mo?"
Amputek! Hirap na nga kong magsalita tapos uulitin ko pa?
"Friends?" inilahad ko ang kanang kamay ko.
"Ba.. Bakit gusto mong makipag kaibigan? "
"Dahil gusto ki.. Gusto ko lang."
Parang gusto ko ng suntukin yung sarili ko dahil kung ano ano ng sinasabi ko.
Natotorpe ako. Ganito pala ang feeling non. Langya talaga!
Nakatingin lang siya saakin ngayon.
Ano bang tinitingin tingin niya? Alam ba niyang nagwawala na ngayon ang puso ko dahil sa mga titig niya?
Joy's POV
Naninibago talaga ako kay Tristan. Parang may kakaiba sakanya ngayon.
Hinawakan ko ang noo niya.
"Ba.. Bakit mo ginawa yon?" uutal utal na tanong niya.
"Akala ko may sakit ka e. Namumula ka kasi."
Pero seryoso. Ang pula ng mukha niya. Di kaya namaligno na to? Wala naman siyang sakit. Hindi siya mainit.
Napahawak siya sa mukha niya. Sabay yuko.
Eh?
Ano yon? Parang bata lang na nahihiya.
Bigla naman akong may naalala.
Siguro gusto niyang mapalapit kay Bes.Hay. Ang swerte naman ng bestfriend ko. May dalawang taong nagmamahal sakanya.
"Kung gusto mong ligawan si Jazmine siya ang lapitan mo."
"Ha? Anong ligawan? Bat ko naman gagawin yon?"
"Diba gusto mo siya? Kaya nga kinalaban mo si Ivan e. Kaya ka lumipat ng bahay para sakanya. "
Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko. Alam ko namang masasaktan lang ako pero pilit ko pa ring inoopen yung topic na to.
"Sinong may sabing gusto ko siya? "
Napatingin ako sa kanya. Ibig sabihin maling akala lang lahat?
Pero bakit niya yon ginawa kahapon?
"E bakit ka sumali sa basketball? Bakit gusto mong matalo sila Van? "
"Kasi.. Ano.. Gusto ko.. Mag exercise. Tama. Yon talaga ang dahilan. Hehehe."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Yon lang? Gusto niyang mag exercise kaya siya naglaro kahapon? E anong nakakatawa don?
Napatitig ako sa mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Genç KurguInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...