Chapter 18: Alice

2.2K 95 7
                                    

Joy's POV

Nabigla ako sa mga sinabi ni Ivan. Nandito kami ngayon sa kotse niya at papunta sa park. Yon kasi ang lugar na sinabi sakin ni Jaz ng tawagan ko siya.

"Ang sama sama talaga ni Tristan. Bakit niya yon ginawa?"

Nalaman kong hindi pala hinahatid ni Tristan si Jaz pauwi. At palagi daw si Jaz sa ARB. Doon siya laging pumupunta tuwing matatapos ang date nila. At ang lokong si Tristan iniiwan na lang mag isa sa Jaz. Naiinis ako. Gusto ko ibitin ng patiwari si Tristan sa totoo lang.

"Kaya nga dapat itigil na ni Jaz ang pakikipagkita sa lalaking yon."

Na guilty na naman ako. Alam ko kasi na ako ang dahilan kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon si Jaz.

"Ayon si Bes." turo ko sa gilid ng park. Nakatayo siya don.

Malapit na kami sa pwesto niya ng bigla na lang may lalaking humila sakanya papasok sa isang puting sasakyan na nakahinto sa tapat niya.

"O my God! Kidnapping!" napasigaw ako habang nasa sasakyan ni Ivan. Agad naman napahinto sa pagmamaneho si Ivan at bigla siyang bumaba. Ngunit nakalayo na ang sasakyang kumuha sa bestfriend ko.

"Tara dito Van. Sundan natin yung kotse." utos ko.

Nanginginig ako sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kukunin ko dapat ang cellphone ko pero bigla ko yong nabitawan.
"Van bilisan mo naman oh. Baka kung anong gawin nila kay bes." maiiyak na sabi ko.

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sakanya. At hinding hindi ko mapapatawad si Tristan.

Ivan's POV

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Kailangan kong mahabol ang kotse na yon. Dahil nasa loob non ang buhay ko.

Yes. You heard me right. Si Jazmine ang buhay ko. But I don't have time to explain everything. All I want now is to save Jazmine into danger.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela.

I hear Joy's sobbing. Masyado siyang natatakot para sa bestfriend niya.

"Joy stop crying. Everything will be fine. Okay lang si Jazmine. You know her. She can defend herself." pilit ko siyang pinakakalma.

Hindi ko alam kung gaano na kami kalayo but I notice something along the way. I know this road. It's really familiar. And as soon as the gate of the village appear I know exactly where we are.

Pumasok sa village na yon ang puting kotse. I may be very lucky dahil alam ko at kilala ako sa village na to. Kaya naman walang problema akong nakasunod sa puting kotse na tingin ko ay patungo sa isang bahay. But why here? Anong gagawin nila dito? Is it kidnap for ransom? I doubt it. Dahil tingin ko mayaman ang may ari ng kotseng yon na sa tingin ko ay ang latest model ng bmw.

Pumasok ang kotse na yon sa isang malaking gate. I don't know exactly the location now pero tingin ko hindi naman siya abandonadong bahay. Walang security guard dahil automatic ang gate na bumukas. And I took the opportunity to follow that car kahit may kutob akong alam nilang nakasunod kami.

"Van anong lugar to?" tanong ni Joy. Ngayon ay kalmado na siya.

"Hindi ko alam. But first we need to get out of this car." sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt ko. At ganon din ang ginawa ni Joy.

Nasa harap kami ng isa pang malaking gate. Hindi ko na makita ang puting kotse. Palagay ko nasa loob na yon.

I was about to push the doorbell sa gate ng kusa na lang itong bumukas. I knew it. Alam nilang nakasunod kami.

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon