Chapter 59: Trouble

1.3K 49 1
                                    

Jazmine's POV

Nahihiya talaga ako humarap sakanila ngayon. 

Lalo na kay Ivan. 

Hays. Buti na lang okay na si Charie at si James. Kung sakaling napahamak kasi sila Bes hindi ko talaga alam ang gagawin ko. 

Ako pa naman ang dahilan kung bakit sila nasa ARB kagabi. 

Hay. Feeling ko lagi akong palpak e.  Nung nakaraan maling balita yung sinabi ko kay Bes. Tapos nasira ko pa yung surprise dapat sakin ni Ivan. 

Alam ko medyo nainis siya sakin kahapon. Pero hindi naman niya sinabing galit siya. 

"Class dismiss." dinig kong sabi ng prof. 

Wala akong naintindihan buong klase. Ang dami dami kasing gumugulo sa isip ko. 

"Bes? Tara na?" sabi ni Joy. 

Tumayo na lang ako at sumunod sa kanya palabas ng room. 

Joy's POV

Kanina pa tulala si Bes. Pansin ko lang parang may problema siya. 

"Bes okay ka lang?" tanong ko. 

Tumango lang siya. Pero hindi ako naniniwala. Kilala ko siya. Hindi yan okay lalo pa at masyado siyang matamlay ngayon. Usually kasi nauuna pa yan dumaldal kesa sakin. 

"Ano bang problema? Iniisip mo pa ba yung nangyari kagabi?" tanong ko. 

Sa totoo lang wala akong maalala kagabi. Sabi nila nalasing daw ako.  Nagalit pa nga si Tristan sakin. 

Subukan ko pa daw gawin ulit yon at talaga daw hindi ko magugustuhan ang gagawin niya. 

"Hindi naman Bes. I'm just disappointed in myself. Feeling ko failed akong maging isang mabuting girlfriend. Lagi na lang kasi akong palpak. Hay."

"Ano ka ba Bes. Kahit gaano ka pa ka loser o kahit gaano ka pa katanga mahal ka pa rin ni Van. Hindi na yon magbabago Bes." sabi ko. Mukhang down na down siya ngayon.

"Sana nga. Paano kung magsawa siya sakin Bes? Paano kung ipagpalit niya ko sa iba?"

"Ako makakalaban niya pag ginawa niya yon Bes."

Hay. Hindi ako sanay makita si Jaz na ganito. Alam ko namang mahal na mahal siya ni Ivan. Kaya nakasisiguro akong hindi niya kayang ipagpalit si Jazmine. 

Jane's POV

Nandito ngayon lahat ng girls. Sila ate Jaz, ate Charie at Sis Joy. 

Buti pa sila mga happy na. Lahat sila may mga lovelife na. Ako na lang talaga ang sawi. Huhuhu. 

Ang saklap talaga ng kapalaran ko!

"Girl don't worry. Marerealize din ni Nikko ang feelings mo. Kaya think positive okay?" sabi ni ate Jaz. 

"Tama siya. Gusto mo tulungan ka namin? Malay mo gumana mga plano ni Jaz." -ate Charie.

"Wag na Charie. Ayoko nang gawin yang mga yan. Baka may mapahamak pa."

Naikwento nga pala nila saakin yung nangyari nong nakaraang araw.  Sayang nga at wala ako don.

"Nasan pala sila James?" tanong ni Sis Joy. 

"Nagbasketball lang sila. Apat sila.  Kasama yung bf ni Ate Jaz." sabi ko. 
Buti nga umalis sila kuya dito. Para kami kami lang ang makakapag usap. 

"Ay may sasabihin nga pala ako. Next week na yung bday ni Tristan right? Meron na ba kayong gift?" -Ate Charie

"Wala pa ko. Kaw Bes?" tanong ni ate Jaz kay Sis.

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon