Nikko's POV
Last two weeks na ng bakasyon ko and I'm really enjoying my stay here. Tingin ko nga kulang pa yung naging bakasyon ko.
But at the same time natuwa ako dahil kasama ko si Jane. Pakiramdam ko tuloy may younger sister na rin ako.
Well, dalaga na si Jane kung ikukumpara sa ibang ka edad niya. Pero the way she acts is still like a kid. Kaya nga siguro palagi silang hindi magka sundo ni James.
"Ayun! Dun tayo Nikko. Tara!" hinila na naman niya ako sa isang spot dito sa Jeju island.
Yes. Nasa Jeju kami. Last week nasa Nami Island kami. Suggestions niya lahat ng pinuntahan namin since palagi naman siyang nandito.
"Ayaw mo ba? Picture tayo dito oh." sabi niya.
Pinag bigyan ko na lang siya. Ang kulit kulit kasi niya. Pero minsan natutuwa rin ako sa kakulitan niya.
"Okay na ba yan?" tanong ko. Ang dami dami na kasi naming nakuhang litrato kahit ilang oras pa lang kaming nandito.
"Yep. Okay na to." nakangiting sabi niya.
"Kaya mo bang lumabas ng walang make up?" tanong ko.
"Ha? Bakit? Pangit ba make up ko?" sabi niya.
"No. I just want to see kung anong itsura mo kung simpleng ayos lang. Maybe you will look much better." sabi ko.
Hindi naman sa sinasabi kong panget siya. But the thing is maybe she can be a little bit simple. Tingin ko babagay yon sakanya.
Jane's POV
Omg! Mukhang napapansin na talaga ako ni crush. Grabe na to!
Buti nga pinagbibigyan niya ko sa mga gusto ko. Siguro dahil kaibigan niya si kuya. O kaya naman dahil tingin niya sakin little sister. Hmm. I know hindi pa rin nawawala si Sis Joy sa puso niya.
Pero I won't give up. Someday mapapansin mo din ako Mr. Right ko.
And don't worry. Dahil kung meron mang hahadlang saating dalawa nakahanda akong ipaglaban ka.
Haha. Chos! Pero true. Sana dumating yong time na yon. Na magustuhan na ko ni Nikko.
Try ko kayang maging simple?
Tingin ko magugustuhan niya yon.James POV
Nalilito na talaga ako sa kinikilos ni Charie. Nung nasa Ilocos kami may nabanggit siyang ikinagulat ko.
Sumigaw siya ng 'Mahal kita' habang nag zizip line kami.
Is she referring to me? Or to the guy she likes?
Bago pa lang naman kami i-arrange ng mga parents namin ay nakita ko na si Charie. Sa isang event sa Korea one year ago.
Aaminin kong na love at first sight ako sakanya.
I didn't know na siya pala ang babaeng magiging fiancee ko that time. Pero narinig ko sa usapan nila ng Mommy niya na meron na siyang gusto.
Kaya gusto niyang tumutol sa engagement. I feel sad when I heard it. Kaya naman hangga't maari ayokong matuloy ang kasal na to. Cause I want to move on. Dahil alam kong hindi ako ang mahal niya.
But she's acting weird lately. Akala ko hindi niya gustong magpakasal. Pero hindi rin naman siya tumutol.
I guess dahil wala din naman siyang choice. Diba yon ang sabi niya sakin?
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Teen FictionInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...