Jazmine's POV
After two days ay magaling na rin ako. Salamat talaga sa mabait kong bestfriend. Ang dami ko na palang namiss sa school. Wala na kami sa building B at nasa klase kami nila Tristan.
Well, I was originally from this section before. Pero ng makilala ko si Bes ay nagpalipat ako sa Building B. Who would have thought na babalik pa ako dito. Wala pa si Tristan noon. Kaya siguro hindi niya ako kilala.
"Bes sigurado kang okay ka na ha?"
"Bes pang ilang beses mo na bang natanong yan? Lima? Sampu? Okay na okay na talaga ko bes. Kaya don't worry."
Napangiti na lang siya sakin. Ang cute talaga ng bes ko. Bumagay talaga sakanya yung short hair niya.
Pagdating namin sa room nasaamin lahat ng atesyon. Paano ba namang hindi e ang ganda namin. Haha. That's a fact okay.
Hinayaan ko na lang silang tumingin. Libre naman yon e. Pagbabawalan ko pa ba? Nakita ko na vacant ang chair na katabi ni Tristan kaya pumunta agad ako doon.
Pero hindi pa man ako nakakaupo ay sinipa na niya ang upuan na yon.
"Bakit mo ginawa yon?" aga aga ang sama ng ugali niya ah. Bad mood ba to?
"Wala lang." he said na parang tamad na tamad.
"Uy Jazmine nandito ka na pala!" bati sakin ng kadarating lang na si James. Napatingin siya sa pwesto ko. "Ah. May nakaupo na diyan. Dito ang pwesto mo." turo niya sa isa pang upuan na vacant.
"Ah ganon. Sinong nakaupo dito?" tanong ko.
Magsasalita pa lang sana siya ng unahan na siya ni Tristan.
"Siya." at tinuro niya ang taong yon.
"Si bes?" nakaturo kasi kay bes yung kamay niya.
Tumango lang si Tristan. Nakita ko namang bahagyang nagulat si bes.
"Ah. Okay." mamaya na lang ako hihingi ng paliwanag kay bes kaya naupo na ko sa pwesto ko. Sakto naman ang dating ni Nikko at naupo na sa tabi ko.
Joy's POV
One hour and thirty minutes lang naman ang subject na to pero feeling ko napakatagal ko nang nakaupo sa tabi ni Tristan.
Naiilang kasi ako lalo pa at ang lapit lapit niya sakin. Dati naman hindi ganito yung space sa pagitan namin ah.
Naalala ko kasi yung nangyari samin este yung incident kahapon. Pagkatapos kasi nung pangyayaring yon ay nagtatakbo ako palabas ng clinic. Ni hindi ko na tinignan ang reaksyon ni Tristan.
Ano ba to. Ang bilis bilis na naman ng tibok ng puso ko. Kinakabahan na naman kasi ako.
"Are you okay?" bulong saakin ng katabi ko na talaga namang nakapagpataas ng balahibo ko. Paano ba naman ang lambing kasi ng pagkakasabi niya.
"Ahh.. O..oo naman." uutal utal na sagot ko. Hindi ko rin siya nililingon. Parang mauubusan ako ng hangin dito. Sana matapos na ang subject na to.
"Alam mo pwede ka namang huminga. Wag kang masyadong tense." bulong ulit niya.
Siya kaya ang ilagay ko sa posisyon ko. If I know hindi big deal sakanya ang kiss na yon. Pero sakin oo. Kahit pa sabihing hindi naman yon ang first kiss ko. Oo. Hindi ko yon first cause that's my second. Dahil nakuha na ng first love ko ang first kiss ko. At gusto kong ibigay ang second and last kiss ko sa future boyfriend ko. Pero ngayon naglaho na yon. Wala na yong iniingatan kong second kiss!
Ah basta. Hindi ako makapag isip ng maayos habang katabi ko siya. Mabuti pang kausapin ko na lang si Bes para makipagpalit ng upuan.
Nikko's POV
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Genç KurguInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...