Chapter 26: Tour

1.9K 75 3
                                    

Joy's POV

Maaga akong nagising dahil sa call time namin. Kaya naman tatlong oras lang talaga ang tulog ko. Nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya ng malaman kong hindi saamin sasabay si Tristan. Pero napag isip isip ko rin na mas okay na to kesa naman makatabi ko siya buong biyahe.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin tanggap na gusto ko na siya.

Oo. Gusto ko siya. Kung bakit at paano ay hindi ko din alam. Basta naramdaman ko na lang to. Kahit ayoko, kahit di ko sinadya.

Nauna na ako dito sa pwesto. At dahil antok na antok na talaga ko hindi ko na nahintay si James.

Sinara ko muna ang kurtina ng bintana bago ako sumandal sa upuan. Nakapikit na ako ng maramdaman kong may tumabi saakin.

Nandito na si James.

"Tulog muna ako James ha. Puyat kasi ako e."

"Hmmm."

Yon lang ang tanging sagot niya. Nakapikit na ako at handa ng matulog ng makalanghap ako ng isang pamilyar na amoy.

Hay naku Joy. Di ka pa nga tulog nanaginip ka na agad. Para kasing naamoy ko yung pabango ni Tristan. Ganito rin kasi ang amoy niya.

Pilit ko na lang inalis sa isip ko si Tristan.
-

Nagising ako dahil sa pag alog ng sasakyan.
Bahagya pa akong nagtaka dahil nakatagilid ang ulo ko at nakapatong ito sa balikat ni James.

"Pasensya na James nakatulog...
Aahhhhh!!! "

"Damn! Don't shout." inis na sabi ng katabi ko.

Bakit siya nandito? I mean bakit nasa tabi ko siya? Kinurot ko ang kanang kamay ko dahil baka nananaginip lang ako. Pero hindi. Totoo to. Gising ako at katabi ko ngayon si Tristan.

"Bakit.. Paano.."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na ang tour guide namin sa bus at sinabing nakarating na kami sa Laguna.

"Tsk. Antukin." yan lang ang sinabi niya bago ako iniwang nakatulala.

Anong nangyari? Natulog lang ako nasa tabi ko na siya?

Agad naman akong napatayo ng makita kong pababa na lahat ng nasa loob ng bus.

Tristan's POV

Kanina ko pa gustong upakan si James. Nang dahil sa kanya nasira ko ang kotse ko. Ano bang klase ng masamang espiritu ang sumanib sakanya para gawin niya yon.

Ang ikinaiinis ko pa ay ang babaeng yon. Wala na nga siyang ginawa buong biyahe kundi matulog pagkatapos sisigawan niya lang ako.

Daig pa niya ang nakakita ng multo kanina ah. Tsk. Nakakainsulto.

Ano ba namang kinalaman ni rizal sa business course? Naiinip na ko dito sa totoo lang.

Nakita ko naman si Joy na tuwang tuwa habang nililibot namin ang buong bahay.

"Hoy anong nginingiti ngiti mo diyan? "
Sinamaan niya lang ako ng tingin.

Kita mo na. Yan ba ang tamang pag uugali? Ewan ko ba kung ano nakita ni Nikko sakanya.

Tss.

Napansin kong parami na ng parami ang tao dito sa loob. Mukhang nandito na rin ang ibang section.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga bagong dating. At bumungad saakin ang pamilyar na mukha.

Siya na naman? Oo nga pala 4th year na rin siya. Hindi ko siya kilala at wala akong balak kilalanin siya pero hindi ko maiwasang mainis pag nakikita ko siya.

Eto siguro yung tinatawag nilang hate at first sight? Ah basta. Nakakainis ang lalaking yan lalo pa at..

"Hahaha. Oo nga noh. Gusto mo isabit din kita diyan?"

What the fuck!!

Dinig na dinig ko ang tawa ng babaeng yon habang kausap ang kumag na kinaiinisan ko.

Naikuyom ko ng madiin ang kamay ko. Magkasama na naman silang dalawa. At dito pa talaga sa bahay ni rizal naglandian? Nakakapang init ng ulo!

"O Tris bat putol na yan ballpen na hawak mo? Gusto mo pahiramin... Shit! Anong problema mo? "

Naibato ko kay James ang ballpen na naputol ko sa sobrang inis.

"Hoy Tristan bawal magkalat dito. Hoy! "

Hindi ko na pinansin kung anong sinasabi ni James. Agad akong lumapit sa dalawang taong kanina pa nagpapasakit sa mga mata ko.

Joy's POV

Kahit kailan talaga napakasama ng ugali ni Tristan. Hindi ba niya kayang banggitin ang pangalan ko? Palagi na lang kasing hoy ang tawag niya sakin.

*click!

Bigla na lang may nagpicture sakin gamit ang cellphone.

"Van! Burahin mo yan! " utos ko.

"Hahaha. Ang epic. Kamukha mo na yung mga sinaunang tao oh." turo niya sa mga larawan na nakasabit sa bahay.

"Hahaha. Oo nga no. Gusto mo isabit din kita diyan?"

"Ahahaha. Wag na. Wala ng space e. Hahaha."

Wagas ng tawa niya ah. Parang wala ng bukas. Aalis na sana ako ng bigla niya kong tanungin.

"Si Tristan. Anong relasyon niyo?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko nga pala nasabi sakanya ang tungkol don.

"Ex boyfriend? Hmm medyo complicated. Bakit mo natanong?"

Akmang sasagot na sana siya ng biglang may humila saakin palayo kay Ivan. Paglingon ko hawak na ko sa braso ni Tristan na ngayon ay masama ang tingin kay Ivan.

"Tristan ano ba! Bitawan mo nga ko!"

"Shut up! Remember what they told us earlier?" sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang masamang tingin kay Ivan.

"Ano yon?" tanong ko.

"Make sure you won't leave your partner..."
At sa pagkakataong ito ay nakatingin na siya saakin.

"...alone."

Pagkatapos agad niya na kong kinaladkad palayo kay Ivan.

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon