Joy's POV
Marami pa kaming pinuntahan pagkatapos naming mamasyal sa may rock formation.
Bumalik kami sa resort at nagpalit sandali ng damit. Mamaya daw ay mag zizip line kami. Balita ko mahaba ang zip line nila dito. Excited na ko.
-
"Bes sure kang yan ang suot mo?" tanong ni Jaz. Naka maong pants at rubber shoes kasi ako.
"Bakit okay na to Bes. Di pa naman tayo mag swiswimming e. Zip line muna diba?"
"Hmmm. Oo nga. Wait. May ibibigay ako sayo. Madami akong extrang damit na dala. For sure babagay lahat to sayo."
Naghanap siya sandali ng damit at pinasuot saakin yung sinasabi niyang magandang damit na babagay daw sakin.
"Yay! Ang ganda bes."
"Totoo Joy. Ang ganda mo diyan." sabi ni Charie.
"Wait. Ayusan ka namin." sabi ni Jaz. At yun nga ang ginawa nila. Pinabayaan ko na lang sila dahil gusto ko rin naman to.
Gusto kong magmukhang maganda pag nagkita kami ni Tristan.
-
Paglabas namin agad kaming pinagtinginan ng mga tao.
Siguro dahil kay Jazmine. Ang sexy kasi ng suot niya.
Si Charie din ang sexy. Grabe ang ganda ng katawan nila. Nakaka inggit. Mukhang mga dalaga na talaga. Ako mukhang elementary e. Huhuhu.
Nilapitan naman kami nila Tristan. Si Jaz sumama na kay Ivan. Nauna na sila sa may zip line. Si Charie naman sumunod na din. Ganon din ang ginawa ni James.
Naiwan naman kami dito ni Tristan. Hindi kasi siya nagsasalita e.
Nagandahan kaya siya sakin? O baka hindi ko bagay yung suot ko?
Nakashorts at sando lang kasi ako. Medyo maiksi pa nga yung pinasuot ni Bes sakin.
"Ahh. Sweetie.."
"Change your clothes." seryosong sabi niya. Biglang sumama yung itsura niya.
"Bakit? Pangit ba?" tanong ko. Para kasing hindi niya nagustuhan.
"Just change sweetie. Before I can kill someone here."
Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya o nagbibiro lang?
Tristan's POV
WTF!
Anong nangyare at ganyan ang suot niya?
Hindi ba niya alam na pinagtitinginan sila ngayon dito?
At shiqt lang talaga dahil kitang kita ko kung paano siya tignan ng mga siraulong lalaki malapit sa pwesto namin.
Konti na lang dudukutin ko na yang mata nila.
"Change your clothes." seryosong sabi ko.
She's so damn hot and she's distracting me.
"Bakit? Pangit ba?" tanong niya.
No! Sa totoo lang sobrang ganda niya. Kaya lang ayokong may tumitingin sakanyang ibang lalaki.
Gusto ko ako lang. Ako lang ang titingin sakanya. At ako lang ang makakakita sa gandang taglay niya.
I'm selfish. Specially if it's about her.
Napatingin ako sa mga lalaking kanina pa nagpapa init ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Novela JuvenilInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...