Joy's POV
Sa sobrang saya ko ng mga nakaraang araw hindi ko na namalayan na finals na pala.
Hay. Sana sapat na ang mga nareview ko para pumasa.
Actually ngayon lang ako nagreview ng matagal. Usually naman scan sa mga past lectures lang ang ginagawa ko. Pero ngayon kailangan ko talagang magreview dahil hindi ako gaano nakakapagfocus sa lesson.
Si Tristan kasi e. Ang lakas niya maka distract ng attention.
-
"Ano sa tingin mo Bes papasa kaya tayo?" tanong ni Jaz. Katatapos lang kasi ng finals namin at nandito kami sa canteen.
Dito kami naglunch ngayon at sila Charie ang kasama ko. Si James kasi nagpasama kay Tristan. Ayaw pa nga sumama non pinilit ko lang. Kawawa naman kasi si James. Wala na nga si Nikko di pa sasamahan ni Tristan.
"Tingin ko naman Bes papasa tayo. Lumabas naman lahat ng nasa lecture e. Kaya papasa tayo diyan."
"Hay. Matalino ka kasi Joy. Ako nga parang wala akong siguradong sagot kanina." sabi ni Charie.
"Don't worry. Makakapasa tayo diyan. Tsaka let's just enjoy our vacation. San ba kayo magbabakasyon?" tanong ni Jaz.
"Im planning to go to Korea. Pero pag tinamad ako baka sa bahay na lang."
-Charie"Kaw Bes? Sama ka samin? Sa France kami ni babe." sabi ni Jaz.
Actually hindi ko alam kung anong balak ni Tristan. Tatlong araw na lang kasi first monthsary na namin.
Baka nakalimutan niya? Alam ko di naman masyadong matandain sa dates ang mga lalake. Mga girls talaga ang magaling sa mga dates na yan.
Hmmmmm.
"Kayo na lang Bes. Vacation niyo yan. Dapat kayong dalawa lang."
"E ayoko namang maiwan ka lang mag isa sa unit natin. Magtatrabaho ka na naman no? Wala bang sinabi sayo si Tristan sa kung saan kayo pupunta?"
"Wala Bes. Pero tingin ko dito na lang ako. Wala din naman akong pang gastos sa bakasyon na yan. May kailangan pa kasi akong bayaran." Sabi ko kay Jazmine.
Pero seriously naalala kaya ni Tristan yung monthsary namin?
Gin's POV
Makalipas ang ilang araw simula ng i-announce ni Tristan na sila na ni Joy ay hindi na siya umalis sa tabi niya.
Palagi ko na lang silang nakikitang magkasama.
Tsk. Bantay sarado yon ah.
The great Tristan Ace Villafuente is dating a simple and average girl like Joy.
This is new. This is interesting.
Kilala ko si Tristan. But he doesn't really know me. May mga bagay lang talaga na alam ko dahil masyadong kilala ang pamilyang kinabibilangan niya.
"What are you doing here? Stalking with someone?" nagulat ako sa biglaang pagdating niya.
"Get lost." sabi ko.
"Remember what you told me before? You owe me something Gin. And it's payback time."
Yes. I remember now. May utang pa pala akong dapat bayaran sakanya.
"Tell me what is it?" sabi ko.
"That girl." turo niya sa babaeng kanina ko pa pinagmamasdan.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Novela JuvenilInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...