Chapter 34: Fallin

2.1K 70 2
                                    

Jazmine's POV

Nandito ako sa ARB ngayon. Kasama ko si Charie. Si Bes kasi may project pa na dapat tapusin. At kasama na naman niya si Tristan.

Sa totoo lang nagseselos na talaga ako kay Bes. Hindi ko maiwasan e. Palagi na lang kasi silang magkasama.

Bakit ba hindi niya ko magustuhan? Maganda naman ako. Sexy. Matalino at mayaman?

Yung iba nga handa pang mamatay para sakin. Bakit ba ang hirap hirap mong makuha Tristan?

Uminom lang ako sandali ng wine. At agad ko ng niyaya si Charie sa labas.

"Tara Charie. Sa karaoke hub tayo!"

Yaya ko. Kailangan ko talagang ilabas ang sama ng loob ko. Baka maipon pa to at sumama rin ang itsura ko. Mahirap na.

Charie's POV

Kanina pa kanta ng kanta si Jazmine. Hindi ba niya alam na wala siya sa tono?

"Tell me, where will you go wrong..."

Kita niyo na. Mali mali pa lyrics niya e. Lasing na nga siya tapos kanta pa ng kanta. Hay. Love nga naman. Walang pinipili.

Almost perfect na nga si Jaz para sakin. Pero iba rin pala talaga pag hindi siya para sayo.

I know the feeling. Si James kasi hindi rin ako gusto.

Hay. Samahan na nga kami ng mga babaeng sawi. Idagdag pa si Jane.

Ewan ko lang si Joy.

Hmm. Matawagan nga siya. Nang makauwi na tong si Jazmine.

Joy's POV

Nakatanggap ako ng tawag galing kay Charie kaya minadali ko ang pagpunta sa KHub.

Nadatnan ko naman si Bes na kumakanta. Weakness niya yon e. Hindi talaga siya sumasabay sa tono at mali ang lyrics niya.

Nakita ko naman si Charie na nagtatakip ng tenga.

Hay. Ano bang problema Bes? Bakit ka nagkakaganito?

-
Dinala ko na siya sa kwarto niya. Ang hirap pa naman niyang akayin dahil ang tangkad niya.

"Bes.. Kanta pa tayo."

"Bukas na Bes. Gabi na e. Matulog ka na."

"Eehh.. Bes.." sabi niya. Para siyang bata ngayon. Ganito siya pag nakainom.

"Ano yon Bes?"

"Si Tristan kasi.. Huhuhu. Bat ba hindi niya ko gusto?"

Nagulat ako sa tanong niya. Ibig sabihin nag usap na sila?

"Ahh.. Hindi ko alam Bes e." sagot ko.

"Maganda naman ako diba? Matalino ako. Mayaman. Bakit ganon bes... "

Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Maski ako sa sarili ko gusto ko rin yang itanong. Bakit hindi niya ko gusto.

Tingin ko nga wala pa talaga siyang taong nagugustuhan.

O baka siya yung tipo ng tao na hindi talaga marunong magmahal.

Nasaksihan ko na siyang magpaiyak ng babae. Hindi ko inaasahan na kabilang si Jazmine sa mga babaeng napaiyak niya.

At ang hindi ko maunawaan ay kung bakit wala akong naramdaman galit sakanya.

Dapat ngayon nagwawala na ko sa galit dahil sa ginawa niya sa bestfriend ko e. Pero hindi.

Wala akong maramdamang galit.

In fact I felt relieved.
Ayoko sanang maramdaman to pero hindi ko mapigilan.

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon