Tristan's POV
Shit!
What did I do?
Ang buong akala ko si Joy ang gusto ng Ivan na yon. Pero nagkamali ako.
Hindi ko alam na maling akala lang pala ang lahat. Nang makita ko sila sa bahay. Nung nasa Laguna kami. At nang maabutan ko silang nasa unit ni Joy.
Fuck! Ang tanga ko. Bakit di ko agad naisip na nasa iisang bahay lang pala sila ni Jazmine. Kaya pala todo suporta siya kay Ivan. Dahil tinutulungan niya itong magtapat sa bestfriend niya.
"Bro!" lumapit sakin si James at agad niya kong niyakap.
"Salamat talaga. Ikaw talaga ang secret weapon ng team. Hoy san ka pupunta? May victory party pa! "sigaw niya. Pero hindi ko na siya nilingon.
Kailangan kong mahanap si Joy.
Shet talaga!
I need to tell her everything.
Na misunderstanding lang ang lahat.Joy's POV
Nakarating ako sa may park. Hindi ko alam kung saan banda to. Basta malapit lang sa school.
Napatingin ako sa langit. Gabi na pala. Lumubog na ang araw ng di ko namamalayan.
Sana kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglaho ng feelings ko para kay Tristan.
Kung bakit naman kasi sa dinami dami ng lalake don pa ko nagkagusto sa taong iba ang gusto.
At ang mahirap pa dito bestfriend ko pa ang karibal ko.
"There you are."
Napatingin ako sa nagsalita."Niks."
"I saw you running away. Kaya sinundan kita."
Paliwanag niya.
Oo nga pala. May pag uusapan pa kami."Ahh Niks ano pala yung pag uusapan natin? " tanong ko.
Hindi siya nakasagot agad."Its nothing. Bakit namumula yang mata mo? Umiyak ka ba? "
Nagulat ako sa tanong niya. Nag iwas ako ng tingin.
"Hi.. Hindi ah. Napuwing lang ako." sabi ko. Ayokong malaman niyang umiyak ako dahil kay Tristan.
"Joy.. " he said with his husky voice.
"Hmm? "
"Pwede ba.." he look at me. And then I notice something.
"Pwede bang ako na lang?"
Nikko, bakit? Bakit mo to ginagawa?
"I knew it all. About your feelings. I heard it all. Dahil ba kay Tristan? Siya ba ang gusto mo? "
Hindi ako nakasagot. Kung kaya ko lang alisin ang lungkot sa mga mata niya kanina ko pa ginawa.
Hindi ako makapaniwala na nagagawa kong saktan si Nikko ng ganito.
"Your silence says it all."
"I'm so.. "
I took the courage to talk. But he interrupted me.
"It's okay. Don't say it. That's the last thing I want to hear from you."
Kung pwede lang talaga Niks. Kung kaya ko lang utusan ang puso ko. Ikaw na lang sana ang taong minahal ko.
"Chance." he added.
"Just give me a chance Joy. Hayaan mong ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal."
He look at me in the eyes. Seriously. With all sincerity.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Teen FictionInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...