Jazmine's POV
Kasalukuyan naming pinanonood ang laban sa pagitan ni Tristan at Nikko. Simple lang naman ang rules. Walang armas na gagamitin maliban sa mga katawan nila. At para manalo si Nikko kailangan lang naman niyang masuntok si Tristan ng isang beses sa mukha. Kung hindi ay buwag na ang Cyclone.
Sa tagal naming magkasama ni couz alam ko ng dehado siya. Paano ko nasabi? Kasi lampa yan e. Did I mention na lagi siyang nabubully nong elementary kami? Kasi nga masyado siyang good boy. Never ko pa yang nakitang nakipag away. Ngayon lang.
Ito namang si Tristan ang akala mo gangster dahil sa angas niya makipaglaban. Parang isang bully si Tristan na kinakawawa ang walang laban na si Nikko.
"Nikko ano ba tumayo ka diyan!" sigaw ko. Dehado talaga siya. Ni wala man lang galos sa katawan si Tristan. Habang siya ay halos humandusay na sa sahig.
"Bes pwede bang patigilin mo na si Niks. Hindi niya na kaya e." mahina talaga ang loob ni Joy. Mabait din kasi yan. Actually bagay sila ni Nikko. Isang good boy at isang good girl.
"Bes kaya niya yan. Magtiwala ka naman sakanya."sabi ko.
Tumayo si Nikko. Buti at narinig niya ang sinabi ko. Ikahihiya ko talagang kabilang siya sa angkan namin pag natalo siya dito. Hmmp.
"Ganyan nga bro. Laban lang." dinig kong bulong ni James. Bilib nga ko sakanya. Cool lang siya kahit nakasalalay sa laban na to ang banda at pagkakaibigan nila.
Muli na namang sumugod si Tristan at humandusay na naman si Nikko. Naiirita na ko dito. Sino bang hindi e mukhang alam ko na kung sinong mananalo.Napapikit na lang si bes sa pwesto niya. Hindi nga talaga niya kaya manood ng ganito. Si Nikko kasi bugbog sarado na ngayon.
"Ano? Kaya pa ba?" maangas na sabi ni Tristan.
Hirap na hirap namang tumayo si Nikko. Habang... Teka umiiyak ba siya? Tumataas baba kasi yung balikat niya.
"Hahahahaha. Hahahaha"
Napakunot ng bahagya ang noo ko. Anong meron kay couz at nagawa pang tumawa. Mukhang nang aasar pa siya. Nag iba naman lalo ang awra ni Tristan. Nainis ata siya sa ginawa ni Nikko.
Pilit niyang inilalapit ang sarili niya sa kalaban. May sinasabi siya pero hindi ko na marinig. Tanging silang dalawa na lang ang nagkakaintindihan. Nang bigla na lang nag iba ang expression ng mukha ni Tristan. Nagulat ba siya? Parang ganon ang tingin ko.
At bigla na lang sumugod si Nikko. Nakaiwas si Tristan pero naiwang bukas ang kanang bahagi ng katawan niya. Kaya naman..
.
.
..
.
.
.
.
.
."Woooohhhhhh!! Ang galing mo Nikkooooooo!!"
Dumagundong sa buong gym. Si Nikko ang nanalo. Nasuntok niya si Tristan.
"Bro okay lang kayo?" agad na lumapit si James sa dalawa.
Tumango naman sila. At itinaas na ni James ang kamay ni Nikko hudyat na panalo ito.Joy's POV
Nakapikit lang ako habang nabubugbog si Nikko. Hindi ko talaga maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyayari sakanya.
Nang bigla kong narinig ang malakas na sigawan ng audience.
"Woooohhhhhh!!!! Ang galing mo Nikkooooooo!!"Panalo si Nikko? Minulat ko ang mata ko at nakita kong inangat ni James ang kamay niya.
Panalo siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Agad lumapit si bes sa pwesto nila. Sumunod na rin ako. Inalalayan namin ni James si Nikko.Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko matalim ang ibinibigay na tingin saakin ngayon ni Tristan.
Wala na kong pakialam sakanya. Ang mahalaga ay madala namin si Nikko sa clinic.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Teen FictionInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...