Joy's POV
Matapos kong makipag usap kay Mrs. Walton ay agad akong umuwi saamin.
Hindi ko pa rin alam kung kaya ko siyang tanggapin bilang tita ko.Masyado kasing maraming nangyari noon kaya hindi ko magawang iproseso sa utak ko ang lahat nang sinabi niya.
"Pa?"
Nadatnan ko si papa sa sala. Wala ng tao dito maliban saaming dalawa.
"Anak pwede ba tayong mag usap?" tanong ni papa.
Umupo ako sa tabi niya.
"Sorry po. Dahil sa mga nasabi ko sainyo." Sabi ko.
Napatingin saakin si Papa.
Alam kong madami na silang hirap na naranasan para lang mapalaki kami nang maayos ng kapatid ko.
"Anak gusto kong humingi ng tawad sayo. At sainyo ng mama mo. Hindi ako naging mabuting ama at asawa."
"Hindi yon totoo papa. Alam ko ang sakripisyo mo saamin. Hindi kita nakitang sumuko kahit na hirap na hirap ka na sa pagtatrabaho. Dumating pa sa point na nagkasakit ka dahil sa pagtatrabaho para lang may makain tayo."
"Alam kong hindi naging madali sayo ang lahat anak. Alam kong madami kang tanong sa isip mo."
Napayuko ako. Totoong maraming gumugulo sa isip ko ngayon.
"Pa bakit iba ang pinakilala mong magulang saamin? Paano tayo nakaligtas sa paglubog ng barko?"
Sa totoo lang hindi ko maalala na sumakay kami sa barko noon. Wala na nga akong matandaan sa naging buhay namin bago kami napadpad dito sa Bulacan.
"Ikaw ang dahilan non Joy. Papasok na sana tayo sa loob ng barko. Pero bigla kang nawala sa tabi ng mama mo. Tatlong taon pa lang non si Karl at limang taon ka. Nakita kita na tumakbo palayo. Sinundan ka namin ng mama mo. Pero habang hinahabol ka namin ay nasalubong namin ang napakaraming tao. Muntik ka pang mawalan sa paningin ko non. May hinahabol ka kasing lobo. At nang maabutan ka namin ay nakaalis na pala ang barko. Naiwanan na tayo."
"Ibig sabihin hindi talaga tayo nakasakay don? Bakit po ba tayo aalis? Saan tayo pupunta?" tanong ko. Gusto kong malaman lahat ng detalye tungkol sa nangyari noon.
"Papunta tayo sa Romblon anak. Gusto naming iwan ang Maynila dahil pilit kaming ginigipit ng pamilya ko at pamilya ni Teo. Inisip ko na magpakalayo layo para maprotektahan kayo. Pero hindi yon nangyari dahil hindi tayo nakasakay sa barko. Nabalitaan na lang namin na lumubog na nga ang barkong yon. Nasa terminal pa rin tayo ng mga oras na yon dahil umaasa ako na makakasakay tayo sa susunod na barko. Isa isang dumating ang pamilya ng mga nasawi sa trahedya na yon. Doon ko nakilala sila mang Berting. Kinupkop nila tayo dahil na rin sa pangungulila ng asawa niya sa anak nilang namatay. Nasabi ko sakanila ang sitwasyon namin ni Josie. At pumayag silang ampunin ako at ang pamilya ko. Kaya nagpalit ako ng apelyido. Naging Salcedo ako at nawala na ng tuluyan ang Cruz sa pangalan ko. Dahil itinakwil na rin naman ako ng magulang ko simula ng piliin ko si Josie. Hindi rin ako makahanap ng trabaho dahil sa hawak ko ang apelyido namin. Naglabas kasi ng utos ang Daddy ko na wag akong tanggapin sa kahit anong uri ng trabaho. Hindi pa kami kasal ni Josie nang ipanganak si Karl. Kaya apelyido niya ang ginamit niyo noon. Nang maging Salcedo ako ay nagpasya kaming magpakasal na. At pinabago ko na ang apelyido niyo. Humingi ako nang tulong kila Luis para maipabago ang apelyido niyo. Hindi nga lang nila alam noon ang tungkol sa pagkatao ko dahil bago lang sila sa lugar natin noon. Nauna tayong tumira dito bago pa sila dumating."
Ngayon alam ko na.
Kung bakit galit si Papa kay Mrs. Walton.
Naghirap kami dahil sa dalawang mayamang pamilya na pilit ginigipit sila mama.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Novela JuvenilInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...