Joy's POV
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng magkaroon kami ng deal ni Tristan.
Masaya naman ako dahil marunong siyang tumupad sa usapan.
Si Mang Joey ang pinili kong mag ayos sa papel ng shop para safe ang identity ko.
Nakuha ko na rin ang perang nahiram ko kay Jazmine. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi pa rin siya tumatawag saakin hanggang ngayon.
"May nangyare na naman kaya don?" bulong ko sa sarili.
Mag isa lang ako sa condo at naglilinis ng bahay.
Linggo naman ngayon at walang pasok kaya marami akong oras para sa bahay.
Nang matapos ko ang bahay ay pumunta ako sa laundry shop. Pina laundry ko kasi yung dress na natapunan ng sauce. Sana nga natanggal na yung mantsa.
Pagkarating ko don naka ayos na yung dress na pinalaundry ko.
Agad ko yung kinuha at lumabas na ko sa shop. Nang bigla na lang lumapit sakin ang isang aso.
Grabe ang cute namang aso to. Kanino kaya to? Mukhang naligaw ah.
"Tsutsu. Nasan yong amo mo?" nakaupo ako habang kausap yung aso.
Lumapit naman sakin yung aso na may breeding. Ginalaw galaw niya yung buntot niya habang dinidilaan yung kamay ko na nakahawak sa baba niya.
Wahhh. Ang cute niya talaga.
Isa kasi akong certified pet lover. Lalo na sa aso. May alaga akong aso sa bahay namin. Namiss ko tuloy bigla si Rudolf.
"Hmmm. Wala ka bang name tag?" binuhat ko yong aso saka tinignan kung may nakalagay na name sa necklace na suot niya. Buti meron.
"Chikki!!"
Napalingon ako sa nagsalita.
"Wahhhh!! Chikki ikaw nga. Buti naman at nandito ka lang."
"Sayo ba to?" Sabi ko sabay abot sa asong hawak ko. At agad naman niya itong kinuha.
"Yes miss. Thank you ha. Kanina ko pa siya hinahanap."
"Wala yon. Ang sweet nga ng aso mo. Tsaka ang cute." nakangiti akong napatingin kay Chikki.
"Yeah. Chikki is that kind of dog. Kaya super love ko siya. By the way you're also cute."
"Ha?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Did he just say I'm cute? Parang yung aso niya?Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis e.
"I said you're cute. I like those shirt. Kpop fan ka?"
Ngayon ko lang napansin yung suot ko. Naka white shirt ako na may print ng favorite kpop group ko.
"Ahh. Oo. Hehe." Sagot ko.
"Nice!"
Bigla namang naningkit yung mata niya ng ngumiti siya.
Ngayon ko lang napansin na may pagka korean yung mukha niya.
"Yeah. I found her. Sige. Uwi na ko."
I heard him talking over the phone. Nang maibaba niya yon napatingin siya sakin.
"Im sorry but I need to go. Thank you Miss kpop girl. See you when I see you!"
At nagwave pa siya bago patakbong umalis.
Ang cute niya. Para talaga siyang korean e. Pero magaling magtagalog.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Fiksi RemajaInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...