Chapter 55: His World

1.4K 53 1
                                    

Joy's POV

Sa totoo lang hindi ako komporatble sa mga tingin ng pamilya ni Tristan. 

Akala ko matutuwa ako dahil mukhang hindi naman sila tutol saamin. Pero iba kasi ang pakiramdam ko. Parang may kakaiba sa mga tingin nila. 

"So kelan pa naging kayo Ace?" tanong ni Miss V. 

"Two months ago." tipid na sagot lang ni Tristan. 

"Well, congrats to the both of you.  Siguro naman titino ka na Ace." sabi niya. 

"Tss. Matino naman talaga ako V." yon lang ang sagot ni Tristan. 

"Ang bilis naman ng panahon. Dati tinutukso pa kita kay Ivan. Akala ko nga Joy magiging kayo ni Ivan. Remember pinagkasundo namin kayo before. Haha. That was I think 4 years ago. Right Darling?" sabi ng mama ni Ivan. 

Lagot na. Bakit binaggit pa yan dito. 
Pero totoo yon. Sa sobrang close kasi ng family namin noon pinagkasundo na kami dati ni Ivan. 

Pero dahil hindi naman talaga namin gusto ang isa't isa nanatili na lang kaming magkaibigan ni Van. 

"Haha. Right. Nangyari nga yon. Pero that's all in the past darling. May girlfriend na ang anak mo at may boyfriend na si Joy." sagot naman ni Tito Luis sa asawa niya. 

Napatingin ako kay Tristan at hindi ko nagustuhan ang itsura niya. 

Hindi ko naman kasi nabanggit sakanya yon. Para saan pa wala naman saamin ni Van ang tungkol doon. Ni hindi na nga namin napag uusapan yon e. 

Hinawakan ko ang kamay niya.  Bahagya pa siyang nagulat nang napatingin siya saakin. 

Alam kong hindi niya nagustuhan ang narinig niya kanina. 

"This is good. Parang yung luto ni Josie." komento ng mama ni Van sa pagkain.

"Yeah. Sana pala kinausap natin si Josie na siya na lang ang mag cater dito ngayon." sabi naman ni Tito Luis. 

"Tumanggi si Josie darling. Busy daw sila ngayon sa mga events. Joy kelan ba magiging available ang mama mo?  Namimiss ko na talaga ang luto niya." sabi ni Tita Elly. Mommy ni Ivan. 

"Ahh. Hindi ko po alam Tita. Kasi po - "

~Tinggggg!

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko.  Bigla na lang kasing nahulog ang kutsara sa sahig. At nakita ko kung paano biglang tumayo ang mommy ni Tristan tsaka umalis. 

"Mom!" sigaw ni Miss V. Pero huli na dahil nakalayo na ito. 

"I'm sorry. I think she's not feeling well. Enjoy your food. Please excuse us." sabi ni Mr. Villafuente bago umalis at sinundan ang asawa niya. 

Kinakabahan talaga ako sa mga ikinikilos nila. Pakiramdam ko kasi may mali. 

Jazmine's POV

After ng awkward dinner ay nandito lang kami ngayon sa may pool. 

Sinama ko dito si Ivan dahil may kakaiba akong feeling sa pamilya ni Tristan. They are all acting weird.  Especially his mother. 

"Babe totoo ba na pinagkasundo kayo ni Bes?" tanong ko. Hindi ko kaya nagustuhan yong sinabi ng mama niya. Kahit pa alam ko namang gusto nila ako para kay Ivan. But still I feel jealous. 

"Yes babe. Totoo yon. Pero I know it won't work. That time kasi alam kong hindi naman ako gusto ni Joy. Si kuya Radge talaga ang gusto niya. And that time wala talaga akong gusto sakanya. Well,  my crush ako before sa isang girl pero wala din namang nangyari.  Until I met you. Nung pinakilala ka ni Joy sakin that's the start. Na nagkaroon ako ng feelings sayo." sabi niya. 

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon