Chapter 33: Back Hug

2K 73 2
                                    

Joy's POV

Sunod sunod na katok ang narinig ko. 

"Sandali lang. "

"Nasan siya?"

Si Tristan pala yung kanina pa kumakatok. At sino namang hinahanap niya?

"Sino?"

"Yung kasama mo dito." sabi niya. 

"Ako ba tinutukoy mo?" bigla na lang lumapit sakin si Ivan. 

"Oo ikaw nga. Kailangan nating mag usap."

Teka ano bang meron sakanila? Close na ba sila?

"Tsk." yon lang ang narinig ko bago lumabas si Van. 

Napatingin naman saakin si Tristan pero agad din siyang tumalikod at sumunod kay Van. 

Anong problema non? 

Ivan's POV

"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya. 

Sa totoo lang ayoko naman talaga siyang kausapin. Pero mas mabuti na rin na malinaw saamin ang lahat. 

"Yung pagkatalo niyo hindi ko yon sinadya. I have my reasons."
Sabi niya. 

"Alam ko. Tss. Madami kayang namamatay sa maling akala. Alam mo ba yon?" Inasar ko siya. Hindi pa ko nakakabawi sa mga ginawa niya. 

"Ano? Hoy.. Pwede ba gawin mo na lang yung plano mo. Kung kailangan mo ng tulong ko sabihin mo lang."

Is he serious? Alam ba niyang may gusto sakanya si Jazmine? Tss.  Insensitive din ang isang to ah. 

"No need. I can manage." sagot ko. 

Siguro mas mabuti nang wag ko siyang patulan. 

Sa huli magiging pamilya ko na rin naman siya. Whether I like it or not. 

Tristan's POV

Ang yabang ng ugok na yon ah.  Tsk. 

Nasabi ko na rin sa wakas ang gusto kong sabihin sakanya.  Ang dapat ko na lang kausapin ay si Jazmine. 

Dapat niyang malaman na wala talaga siyang aasahan saakin. At hindi naman talaga ako ang soulmate na sinasabi niya. 

Ewan ko ba don. Masyadong mapilit e.  Dahil lang sa panyo ako na agad soulmate niya. E hindi lang naman ako ang may ganong panyo. 

Yes.  May panyo nga ako ng gaya ng pinakita niya. At nawawala ko yon ngayon. Pero hindi lang naman ako ang binigyan ni V ng ganong klase ng panyo. 

Buong family members namin ay may ganon. Malay ko ba na baka isa sa pinsan ko ang may ari non.  Tsk. 

-

"Can we talk? "
Inabangan ko talaga siya dito sa labas ng unit nila. 

"Sure."

At niyaya ko na siya sa baba. Sa may cafe kami nag usap. 

"I just want to make things clear." panimula ko. "I'm not the owner of that handkerchief. Hindi ako ang sinasabi mong soulmate mo."

"Pero... "

"Look. Nung una akala ko nawala ko yon. Pero ngayon nahanap ko na. And besides hindi talaga kita nakita sa England.  Kaya please lang stop this nonsense."

Kailangan ko tong gawin para matauhan siya.

"Bakit? May nagugustuhan ka na ba?"

"Ha?"

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon