Chapter 17: Bully

2.1K 99 10
                                    

Joy's POV

Ilang araw na ring puyat si Jazmine dahil sa date nila ni Tristan. Hindi ko na nga siya natatanong dahil tulog na ako kapag darating siya.

Kaya naman hinayaan ko muna siyang matulog ng mahaba ngayon. Ako na lang ang magpapasa sa assignment namin. Kaya maaga pa lang ay nandito na ko sa school.

Nasa gilid na ko ng library ng bigla akong harangin ng limang babae. Ngayon ko lang nakita ang mukha nila kaya tingin ko taga ibang building sila.

"Look who's here girls." Si girl number 1.

"The desperate liar." Si number girl 2.

"Hahaha. The ugly bitch." Sabi ni girl number 3.

"Hahahaha." Sabay namang tumawa si girl number 4 at 5.

Ano naman kayang kailangan ng mga to sakin? Tinignan ko lang sila sandali tsaka ako nagsimulang maglakad ulit nang bigla na lang ako madapa.

"Oppps! Panget na nga tatanga tanga pa. Haha." si girl number 1 pinatid ako.

Tumayo ako agad. Mukhang alam ko na ang nangyayari.

"Ano bang problema niyo?" tanong ko habang pinapagpag ang tuhod ko.

"Tsk. Nagtatanong ka pa?" bigla na lang akong hinila ni girl number 2 sa damit. Napalapit tuloy ako sakanya. "Yang kalandian mo. At ikaw mismo ang problema namin bitch." at agad niya akong sinampal.

Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Sa tagal kong nag aaral dito ngayon lang nangyari sakin ang ma bully.

Napahawak ako sa kanang pisngi ko. Masakit siya. Ikaw kaya masampal ng malakas.

"Teka akin na yan." awat ko pa ng agawin nila saakin ang bag ko. At wala na kong nagawa ng ilabas nilang lahat ang laman non. Nagkalat sa sahig ang lahat ng gamit ko. At hindi pa sila natapos dahil tinapunan nila yon ng tubig gamit ang mineral water na hawak ni girl no.4.

"Know your place bitch." si girl 1

"Don't you dare mess up with our prince." si girl 2

"Get lost bitch." si girl 3.

At sabay sabay na silang naglakad palayo.

Naiwan na lang akong nanlulumo. Yung assignment na ipapasa ko ngayon ay nabasa na. Nadamay pa yung kay Jaz. Naiinis ako dahil sa mga bruhang yon. Pero anong magagawa ko. Lima sila mag isa lang ako. Di ko naman sila kaya.

Pinulot ko na lang isa isa yung mga gamit ko. Wala na. Kailangan kong ulitin yung assignment namin.

"Need help? Miss beautiful."

"Van? Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako ng bigla na lang sumulpot dito si Ivan.

"Hmm. Napadaan lang. Teka anong nangyari dito? Mag isa ka lang ba?"

"Ah. Wala. Nahulog ko kasi to. Nakalimutan kong isara yung bag ko. Oo mag isa lang ako. Tulog pa si Jaz kanina e kaya nauna na kong pumasok." paliwanag ko habang nagpupulot kami ng gamit. Di ko na sinabing nabully ako. Baka kung ano pang gawin niya.

"Next time wag ka ng maglalakad mag isa ha. Tignan mo tuloy nangyari sayo." inayos pa niya sandali yung buhok at damit ko. Kung hindi ko lang siya kilala malamang kinilig na ako dito. Sweet kasi siyang kaibigan. Kaya lang torpe siya sa taong gusto niya.

Pareho kaming natigilan ng makarinig kami ng tilian. Mukhang galing yon sa harap ng library. Napatingin naman kami sa dakong yon at nakita ko si Tristan at James na pinagkakaguluhan ng mga babae.
Nakangiti lang si James na parang nahihiya at si Tristan naman nakatingin sakin?

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon