Chapter 13: Her Wish

2K 102 6
                                    

Joy's POV

Nang malaman kong naglayas si Tristan di ko napigilang kabahan.

Nag aalala kasi ako sakanya. Bakit naman niya gagawin ang bagay na yon? Sa tingin ko meron siyang mabigat na problema. Nagawa ko na kasi yon dati e. Pero di ako naglayas. Nag isip lang ako non.

Nagpalakad lakad ako sa labas ng park malapit sa village nila Jane. Naaninag ko kasi na mukhang may fiesta don. At hindi nga ako nagkamali.

Ugali ko kasi ang gumala at maglibot kapag may malalim akong iniisip.

San ko kaya mahahanap si Tristan? Tawagan ko kaya si Nikko? Hays. Di ko naman siya friend pero nag aalala ako ng ganito. Ni hindi niya nga alam yung tunay kong pangalan e.

Habang naglalakad ay napadpad ako sa isang ilog. Meron itong mabatong gilid. Umupo ako doon. Water really calms me. Kasi every time na may problema ako sa ilog ako lagi nagpupunta. Remember laking probinsya ako.

May iilang tao rin dito at yung iba ay tumatawid sa mistulang tulay ng ilog na to. May ganito rin pala sa manila. Ang akala ko kasi puro matataas na gusali lang ang meron dito.

Nagawa ko pang kumuha ng bato sa gilid para ihagis sa ilog. Sayang! Di kasi tumalbog yung bato. Di ko talaga magawa ang trick na yon. Yung maghahagis ka ng bato tapos lulundag lundag siya sa tubig. May nagturo sakin non e. Kaso di ko talaga siya magawa.
Pero laking gulat ko ng may naghagis ulit ng bato at lumundag yon ng tatlong beses. Sino kaya ang naghagis non?

Tristan's POV

I don't know where exactly I am. I just drove my car away from everyone.

I even turn off my phone. Wala akong balak makipag usap kahit kanino. Cause I am really pissed right now.

"What the hell!" naubusan ako ng gas. Tsk. Malas!
I look around to see kung meron bang malapit na gasoline station dito pero wala akong makita.

Damn. Bwisit na araw talaga to.

Naglakad lakad na lang muna ako. Minabuti kong magliwaliw na lang para mawala ang frustrations ko. This is supposed to be a happy day for my family but again it ended up the opposite. Today is my parents wedding anniversary. Of course I know what will happen. Dahil every year namang nagcecelebrate si mommy mag isa. Yes mag isa. Ang magaling kong ama ay hindi man lang siya sinisipot sa mga celebrations nila. At ang rason? That fucking business again. Pero hindi pa rin nadala si mommy. Panay pa rin ang effort niya every year. At yon ang ikinaiinis ko. Masyado niyang ginagawang kawawa ang sarili niya.
Sa sobrang sama ng loob ko ay nasigawan ko si mommy. I even call my dad an asshole. Kaya naman nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula kay mommy.
That's why I end up here.

Tsk. Magsama silang lahat. Kinakampihan nila ang taong yon. Tss. Nagpapalipad lang ako ng bato sa may riverside ngayon. Dito kasi ako dinala ng paa ko.

Nang mangawit ako ay naglakad na rin ako palayo. But I notice something strange. Someone is following me.
Tsk. I know this game. Sanay na sanay na ko sa mga spy ni mommy.

Naglakad ako ng mabilis. Hindi ako tumitingin sa likod ko pero ramdam ko pa rin ang presensiya niya.

Hindi siya nakahood. It means it's not a spy. So stalker ba to?
Naglakad lang ako ng naglakad. At parami na rin ng parami ang tao. May event ata dito. Masyadong madaming tao e. Parang don sa palengke lang. Yung pinuntahan namin ni Jazmine.

Napansin kong wala na siya sa likod ko. Mabuti naman at nailigaw ko siya. Marami kasing tao dito kaya siguro naligaw na yung stalker ko.

"Hoy! Bat ang bilis mong maglakad. Pinagod mo ko."

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon