Maraming bisita ang dumalo sa birthday party ng kambal na anak nila Joy at Tristan.
It was their fifth birthday. At talagang pinaghandaan nila ang party na to.
Nang matapos ang party naiwan sa bahay nila ang mga kaibigan nila.Kasama ni Joy sila Jane, Charie, Jazmine at V. Sa kabilang kwarto naman ay nagsama sama sila Tristan, Nikko, James, Ivan at Radge.
*Girls Room
"Grabe sis ang kulit kulit ng kambal mo. Tsaka sino ba don si Jude? Hindi ko kasi matukoy kung sino ba sakanila yong inaanak ko e." sabi ni Jane na ngayon ay tatlong buwan ng buntis.
Masaya at maayos naman ang naging pagsasama nila ni Nikko."Si Travis Jude yung nakaputi kanina. Mas payat at mas mataas siya kumpara kay Travis John. Si John kasi medyo maliit at bilugan. Mas mataba siya ng konti kay Jude. Siya naman yong naka itim kanina."
Paliwanag ni Joy sa mga kaibigan."Ewan ko Joy. Para kasing wala silang pinagkaiba e." sabat naman ni Charie.
Mas nauna si Charie na nagkaroon ng anak. Six years old na ang panganay nito na si Cheska. At four naman ang bunso na si Jerome.
"Natural wala. Kambal nga e. Pero Bes wala ka bang balak magbuntis ulit? You know para may prinsesa naman kayo. Ang saya kayang magkaanak ng babae." Sabi ni Jazmine.
She is also a mother of two beautiful daughters. Kung kay Joy ay dalawang lalaki sakanya naman dalawang babae. Hindi nga lang kambal.
Five years old ang panganay niya na si Jemarie at three naman ang bunso na si Vanessa.
"Saka na siguro Bes. Masyado pa kaming busy ni sweetie." sabi ni Joy.
Mahirap kaya maging ina. Dalawa pa nga lang susuko ka na. Paano na lang pag naging tatlo pa? Sabi ng isip niya.
"Well, choice niyo na yan Sis. Speaking of busy totoo bang may collaboration ang kompanya niyo sa kompanya nila Grace? Edi nagkita na ulit kayo Sis?" tanong ni Jane.
"Totoo yon. Kasama niya sa meeting ang asawa niya. Palagi naman kaming nagkikita dahil iisa lang ang school na pinapasukan ng mga anak namin." Sagot niya.
Naayos na rin naman nila ang naging away nila ni Grace. Masaya na sila ngayon ni Leon. Inakala nila noon na bading si Leon. Pero maling akala lang pala ang lahat. Interesado siya kay James dahil mahilig din siyang mag drums. At isa siyang taga hanga ni James.
Masaya na rin ngayon ang kaibigan niyang si Gin. Lalo pa at sekretarya niya ang napangasawa nito.
"Girls ready your face. One two three!"
*click
"Perfect." ani Miss V habang tinitignan ang litrato nila. Nasanay na si Joy na tawagin siyang Miss V. Kaya hindi na niya iyon pinalitan.
Tatlo na ang anak nila ni Radge. Seven years old ang panganay na si Alexander. Five naman ang pangalawa na si Adrian. At dawang taon ang bunso nila na si Rachelle.
*Boys Room
Nag uusap usap naman sa kabilang kwarto ang mga lalaki kasama si Tristan.
"Bro pumayag ka na kasi. Isang event lang naman e. Sa opening ng bago kong shop."
Hindi pa rin nagbabago si James. Palagi pa rin siyang masayahin at palabiro. Kahit na may anak na aakalain mong binata pa rin dahil sa mga kilos nito.
"Sabi ko sayong kay Joy ka magpaalam James. Nangako na ako sakanya na siya na ang huling babaeng kakantahan ko. Kaya kapag hindi siya pumayag hindi ako kakanta sa event na yan." Sagot ni Tristan sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Teen FictionInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...