Chapter 61: Celebration

1.1K 46 1
                                    

Tristan's POV

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo.
Ano bang nangyari?

Ang huling naaalala ko ay nasa bar kami nila James.

Shit!

Muli ko na namang naalala ang nangyari kahapon.
Ang asungot na si Gin ay kasama si Joy mag lunch. At talagang magkatabi pa sila.

Damn it!

Nasasaktan na naman ako.
Hindi ko naman sinabi sakanyang hindi ko na siya mahal ah. Bakit may kasama na siyang iba ngayon?

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Arghhhh!

*Blagggg!

Naibato ko ang alarm clock sa tabi ko dahil sa inis.

Bigla namang sumakit ang ulo ko.

Shet talaga. Nagpakalasing na nga ako pero masakit pa rin talaga. Wala na yatang gamot ang pwedeng makahilom ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bigla kong naalala yung panaginip ko.

Sana totoo na lang lahat yon. Sana totoong nandito siya kagabi at hinahalikan niya ako. Sana totoong sinabi niyang nandito lang siya sa tabi ko.

Fuck!

Sana nga totoo na lang lahat yon. Kahit pakiramdam ko totoo yon alam kong panaginip lang lahat yon.
Napahawak na lang ako sa labi ko.

-

Nagpunta ako sa kusina. Wala akong ganang kumain dahil sa hang over ko.
Nakita kong may nakahain sa mesa ko.
Nagulat pa ako dahil wala naman akong naaalala na nagluto ako kagabi.

Hindi kaya,

Shet!

Totoo ba to?
Nandito ba talaga si Joy kagabi?

Jazmine's POV

This past few days after that incident kung saan kumalat ang video at picture ni Joy sa website ay hindi pa rin kami nagkikita. I can't contact her. Dahil ayaw nila daddy. Hindi ko nga inaasahan na pati yon ay alam nila.

Ayokong maniwala sakanila na hindi matinong babae si Bes. I've known her for almost 4years.
Hindi siya ganong klase ng babae.

Aaminin kong nasaktan ako sa nakita ko sakanila ni Ivan. Pero hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag nila hindi muna ako pwedeng magconclude.

Birthday celebration ngayon ni Tristan. Of course invited ako at ang pamilya ko. Kaya I took this opportunity para makaalis sa bahay at mapuntahan si Bes.

Kinuha ko na rin sakanila ang cellphone ko. I know she is innocent.
Hindi yon magagawa ng bestfriend ko.

-

"Bes!" sigaw ko nang makapasok ako sa unit namin.

"Bes?" sabi ni Joy. Nagulat siya pero agad din niya kong nilapitan.

"Galit ka ba sakin Bes?" tanong niya.
Parang namayat siya. Mukha siyang may sakit ngayon.

"Hindi bes. Pero tatanungin kita. Lahat ng naka post don may reason ka kung bakit ka nandon right?" tumango siya.

At naikwento niya saakin lahat ng nangyari.

"Walang hiya siya. Bakit niya ginawa yon? Bakit naniwala siya agad?" nabwisit ako bigla kay Tristan ng malaman ko ang ginawa niya.

"Alam kong nasaktan din siya bes. Pero wala akong magagawa kung yon ang gusto niyang paniwalaan." malungkot na sabi ni Bes.

"Don't worry. I'm sure matutulungan tayo nila Nikko. Ano pa lang balak mo ngayon? Hindi ka ba aattend sa party?" tanong ko.

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon