Joy's POV
Three days na kong hindi mapakali.
Dahil nalaman ko kung paano ako napuntahan ni Tristan dito sa school.
He and Nikko are friends.
Nakita ko yon sa poster na nakadikit sa ibaba ng library.
Kinakabahan na talaga ako. Lalo pa't ang akala ni Tristan ako si Jazmine Suarez.
Paano na lang pag nagka usap sila ni Nikko tungkol sa pinsan niyang si Jazmine? Malalagot talaga ako neto.
Balisa ako habang naglelecture yong prof. Kada may pumapasok na estudyante feeling ko si Tristan yon na pasugod saakin dahil nabuking na niya ko.
"Class dismiss."
Ayon lang ang hinihintay ko para makaalis ako agad sa school.
Napaparanoid na kasi talaga ako e. Pakiramdam ko anytime mabubuking na ko ni Tristan.
Nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Nikko.
Nasa jeep ako ngayon at pauwi na.
"Hello Niks?"
"Nasan ka? Sabay ka na sakin pauwi."
"Nasa jeep na ko Niks. Pauwi na ko ngayon. Ahmm nga pala." kailangan kong makasigurado.
"Yong favor ko about kay Jazmine naalala mo?"
"Oo. Bakit?"
"Sana wag mo na rin ipagsasabi kung nasan siya kahit sa mga kaibigan mo."
"Ha? I don't get it. Wala naman akong nababanggit sakanila about kay Jaz. Pero sige. Just to make Jaz safe di ko ipagsasabi kahit sakanila."
"Thank you Niks."
"No problem. Ingat sa pag uwi."
"Sige. Ikaw rin."
At pinutol ko na ang tawag.
Hay. Kahit papano nakahinga ako ng kaunti don. Isa na lang ang kailangan kong kausapin.
Pagkarating ko sa bahay agad akong nagpalit ng damit. Sakto naman ang pagtunog ng cellphone ko.
Message:
Unknown number5pm. Mall entrance. Don't be late.
Alam niyo na kung sino yan.
Si Tristan lang naman. Di ko na sinave number niya kasi buburahin ko rin naman yon after one month. Kaya no need to save that number.
Agad akong nagbihis at pagtingin ko sa orasan meron na lang akong sampung minuto bago mag 5pm.
Takte! Anong klaseng pagbabiyahe kaya ang gagawin ko sa loob ng 10 minutes?
Agad akong lumabas ng bahay ng hindi nag aayos. Bahala na kung anong sabihin niya.
Mapanlait pa naman ang lalaking yon. Nagpara ako ng taxi pero wala ni isang humihinto sa tapat ko.
7 minutes na lang.
Pero wala pa rin akong taxi. Ay bahala na.
Pumunta ako sa sakayan ng jeep. Medyo malayo nga lang ang bababaan ko. Pero basta bahala na talaga.
Nakasakay na ko ng jeep. Nang mapatingin ako sa relo ko. Habol habol ko pa rin ang paghinga.
5 minutes
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Ficção AdolescenteInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...