Chapter 73: His Substitute Girlfriend

2.4K 64 1
                                    

Joy's POV

Umiiyak ako habang naglalakad sa gitna ng daan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Akala ko matutuwa siyang makita ako. Pero hindi ko inaasahan na sa muli naming pagkikita ay wala na ako sa alaala niya.

Masakit tanggapin lalo pa at sinabi niya mismo saakin na may mahal na siya. Parang unti unting dinudurog ang puso ko. Nahuli na ako. Hindi na ako ang laman ng puso niya.

Nakita ko ang sarili ko sa harap ng unit namin ni Jazmine.
Napatingin pa ako sa tabi nitong unit. Nariyan pa rin kaya si Tristan? Dito pa rin ba siya nakatira?

Napabalik ako sa huwisyo ng biglang bumukas ang pinto sa harap ko.

"Oh my gosh!"

Nanlaki ang mata niya sa gulat.

"Bes I-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya kong niyakap ng mahigpit.

"Thank God your safe. I miss you Bes. I really do. Salamat at nandito ka na."

Napangiti ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at hindi siya galit sakin.

"I miss you too bes." Sabi ko.

Jazmine's POV

It's been a week simula ng dumating si Bes sa unit ko. Nasabi niya saakin ang lahat nang nangyari sakanya. Tungkol sa pagiging Cruz niya at tungkol sa sakit niya.

I couldn't blame her for doing that.
She sacrifice her own happiness for the one she love.

Pero nalulungkot ako para sakanila ni Tristan. Nagkita na sila bago pa siya pumunta sa unit ko. Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob niya. Kaya niyaya ko na lang siyang mamasyal.

"Bes bakit naman dito pa? Alam mo namang sakanila to e." angal niya. Nasa V mall kasi kami ngayon.

"Bes mas okay na to. Kapag lagi mo siyang naaalala magsasawa ka rin sakanya. At eventually makakalimutan mo na siya. Hindi ka dapat umiiwas sakanya bes. Face him. At pagkatapos mag move on ka na."

Nakita kong nalungkot siya. Well, hindi ko siya masisi. Mahal na mahal pa rin niya si Tristan hanggang ngayon.

Hinila ko na siya papasok sa mall.
Nanood muna kami ng sine bago kami nagpasyang kumain.

Sa isang fast food kami kumain. Nag order din ako ng maraming sundae. Alam ko kasi favorite niya yon e.

"Mas lalo ko siyang naaalala dito bes. Pareho naming gustong kumain ng sundae." Sabi niya habang nakatitig sa sundae na order ko.

"Ikain mo na lang yan Bes. Wag mong piliting mawala. Hayaan mo na kusang mawala yung sakit." Sabi ko.

Hay Bes. Love is really complicated. Kahit ako ay hindi maintindihan ang love na yan.

Kaya nga hanggang ngayon ay engage pa rin kami ni Ivan.
He proposed to me a year ago. Pero hindi namin maituloy tuloy ang kasal. Masyado kasi kaming naging busy sa trabaho. Pero I hope soon maikakasal din kami. Lalo pa at nandito na si Bes at makakadalo na siya sa kasal ko. Hehe.

Patuloy lang kami sa paglilibot nang makita namin ang mga taong nagkukumpulan. Ang alam ko may magaganap na event ngayon dito. Baka ito na nga yon.

Dali dali kong hinila si Bes sa lugar na yon. Nang makalapit kami ay rinig na rinig namin ang kanta habang may mga grupo ng tao na sumasayaw sa gitna ng mini stage na nilagay mismo sa gitna ng mall.

Joy's POV

Pinilit kong kalimutan ang sakit na nararamdaman ko at nag focus ako sa mga taong sumasayaw.
Magaling sila at napakaganda rin ng musika na naririnig ko.

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon