Joy's POV
Nagising ako dahil sa isang halik. Pakiramdam ko may humahalik sa mukha ko ngayon.
Pagbangon ko nakita ko ang cute na cute na puppy sa tabi ko.
"Good morning Sundae!" sabi ko habang niyayakap ko siya.
Ang cute cute niya talaga. Siya yung puppy na regalo sakin ni Tristan. Sundae ang binigay kong pangalan sakanya kasi sobrang puti niya. At dahil pareho naming favorite ni Tristan ang sundae.
Tuluyan na kong gumising dahil nawala na rin naman ang antok ko.
Paglabas ko sa kwarto wala pa si Jaz dito. Tingin ko tulog pa siya. Tinignan ko ang kwarto niya pero wala na siya don.
Ang aga naman yata niyang umalis ngayon? Wala namang pasok ah?
*Tok! Tok! Tok!
Malakas na katok ang narinig ko mula sa labas.
Pagbukas ko ng pinto....
"A-anong nangyari sayo?"
Nakita ko si Tristan. Ang lalim ng mata niya. Halatang puyat na puyat at parang zombie kung gumalaw.Agad siyang pumasok sa loob. Sinarado ko muna ang pinto bago sumunod sakanya.
"Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko. Naawa ako sa itsura niya ngayon. Pero gusto ko ring matawa dahil sa ginagawa niya. Nakadapa kasi siya ngayon dito sa sofa.
"I've been waiting for your reply the whole night. Hindi ka na kasi nag good night kagabi e. Akala ko kung ano nang nangyari."
What? Is he serious? Yon talaga ang dahilan ng pagpupuyat niya?
Natawa ako. Oo nga pala. Magkatext pa kami kagabi. Natulungan ko na yata siya kagabi.
"Sorry sweetie. Nakatulog na kasi ako kagabi. Hindi na ko nakapag paalam. Pasensya na."
"It's okay sweetie. Patulog muna dito ha. By the way sweetie -" he paused for a while.
Nagtaka naman ako.
"Ano yon sweetie?"
Hinihintay ko lang ang sagot niya. Mukhang tulog na siya. Hindi na kasi siya nagsalita.
"I love you." biglang sabi niya.
Napangiti ako.
Kinikilig kasi ako e. Palagi naman niya yang sinasabi sakin. Pero hindi ko magawang pagsawaan yang mga salitang yan. Lalo pa at siya mismo ang nagsasabi niyan.
"I love you too sweetie." sabi ko. Pinagmasdan ko pa siya bago siya tuluyang makatulog.
Tristan's POV
Nagising ako dahil sa isang halik. Pakiramdam ko may humahalik saakin.
Pagdilat ko.
"Tss. Ikaw lang pala. Akala ko si sweetie na." nakita ko si sundae sa tabi ko.
Siya yung aso na regalo ko kay Joy. Sundae ang pangalan niya kasi sobrang puti niya at dahil favorite namin yun ni Joy.
Iginala ko ang paningin ko sa loob. Nandito nga pala ako sa unit nila.
Nasa kusina si Joy at naghahanda ng pagkain.
"Good morning! Kain na!" sabi niya.
Nakangiti akong umupo sa upuang katapat niya. Natutuwa ako ngayon. Dahil para na kaming mag asawa. Ang sarap sa feeling na pag gising ko sa umaga mukha niya agad ang makikita ko.
BINABASA MO ANG
His Substitute Girlfriend
Ficção AdolescenteInakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa eksena ang isang mayaman at ubod ng yabang na si Tristan Ace Villafuente. Magkaroon kaya nang pag a...