Chapter 27: Thank You

2K 77 8
                                    

Joy's POV

Narating namin ang labas ng bahay ni Rizal habang hawak pa rin ako ni Tristan. 

I don't get it.  Bakit parang ang init ng dugo niya kay Ivan?

"Ano bang problema mo? Hindi mo ba ko pwedeng isama dito ng hindi kinakaladkad?"

"Alam mo naman ang rule diba? Kaya sa ayaw at sa gusto mo you will stay HERE BY MY SIDE!"

Madiing sabi niya. 

Napakurap na lang ako dahil sa sikat ng araw dito sa labas.  Tanghali na pala at hindi man lang ako nakapagdala ng payong. 

"Bahala ka nga diyan.  Pwede namang sabihin yan sa maayos na paraan."

"Hoy!  San ka na naman pupunta?"

"Sa CR!  Bakit sasama ka?"

Hindi siya naka imik agad.  Aalis na sana ako ng biglang may kung anong inilagay siya sa ulo ko. 

"Ano to?"

Inilagay niya pala yung cap niya sa ulo ko. 

"Hide your ugly face.  Tsk."

Aangal pa sana ako ng bigla na lang siyang naglakad palayo. 

Weirdo niya talaga.  Napansin ko namang hindi na ako gaanong natatamaan ng sikat ng araw. 

Eto kaya ang dahilan ng pagbigay niya ng cap sakin? Pang protekta sa sinag ng araw?

Ay nako. Masyado na kong assuming. Di bale na nga.  Dumiretso na lang ako sa cr. 

-
CR

"She's so lucky.  That Joy girl.  Imagine cyclone ang mga kaibigan niya. "

"Yeah.  At pati si Ivan na varsity kilala niya. "

"Takot niyo lang talaga kay Tristan noh.  Kaya wag na wag niyo ng guguluhin ang babaeng yon. "

Dinig na dinig  ko ang usapan ng mga babae sa loob ng CR.  Nasa cubicle ako at hinihintay ko silang umalis. 

"Tara na nga girls. Magpapacute pa ko kay James ko. "

At sunod sunod na yabag palabas ng CR ang narinig ko. 

Anong ibig nilang sabihin? Si Tristan ang tumulong sakin? Kaya ba hindi na nila ko gugulihin?

Pero ang akala ko si Nikko ang gumawa non?

Jasmine's POV

Naiinggit talaga ako kay bes. Sana ako na lang yung partner ni Tristan.  Huhuhu.  Sobrang nakakaselos naman kasi e.  Lagi na nga silang magkatabi sila pa ang laging magkasama ngayon. 

Konti na lang iisipin ko ng may gusto sila sa isa't isa. 
Pero ang ipinagtataka ko ay yung naramdaman ko after we kissed. 

I feel nothing.

Weird nga e.  Diba dapat may mafeel akong spark?

"You're frowning.  Di bagay sayo."

"Ha? E anong bagay sakin? " tanong ko kay Ivan.  Nagkakilala kami dahil kay bes. Gwapo siya at mabait. 

"Ang nakangiti. Mas lalo kang gumaganda pag ganon."

"Haha.  Bolero.  Maganda na talaga ko no. Kahit di ako ngumiti." sabi ko.  Well, ganyan ako ka confident. 

"Haha.  Oo nga.  Maganda ka naman talaga."

Napansin kong parang nagblush siya. 
E?  Don't tell me..

His Substitute Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon