Chapter 13

707 36 0
                                    

Crimson's pov

"Freak , tawagin mo na silang lahat." Utos ko .

"Yes sir!"

Hindi ako makapaniwala na nasa tabi-tabi lang pala itong mga ito hahaha . RedRiding Hood ha ?

Makalipas ang ilang minuto dumating na silang lahat . Freak , Kira , Grim , Dragon at higit sa lahat ...

"Redridinghood ..." Banggit ko sa pangalan niya at bahagyang ngumisi . Nakita ko ang masamang tingin niya sa akin na tila balak akong kainin ng buhay .

"See you later Rexus gang ! Especially you Chrismel." Pagkasabi ko no'n ay agad akong nag logout .

Phew nakakakaba iyon ah! hahaha!

Shia's pov

Hindi ko alam ngunit tila may kirot sa aking dibdib ng marinig kong muli ang pangalang iyon .

"Lucas"

"Lucas"

"Lucas"

"Ayos ka lang ba ? Tila may bumabagabag sa isip mo simula ng mabanggit ko ang pangala—"


"Wag mo na ituloy . Are you ready na ba ?" Tanong ko ngunit isang naguguluhang tingin lang ang isinagot ni Penumbra. Hayys oo nga pala. "Ok I mean handa ka na ba?"

"Oo , hindi lang ako gaanong komportable sa kasuotang ito . Nasasakal ako dahil sa telang ito." Sabi niya sabay turo sa necktie .

"Tara nga dito , ayusin ko yan saglit." Sabi ko at saka ko siya hinila sa necktie niya .

"Nako nako maliiiiiii!"


Chrimel's pov

Sinuot ko ang kulay pula kong long gown .

"Hayys kinakabahan ako." Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa malaking salamin sa kwarto ko .

"Mam Chrismel ! Nandito na po sila Sir Akira at iba niyo pang mga kaibigan" Sigaw ni yaya Lucia.


Agad kong isinuot ang aking maskara . Kalahati lang ito , tanging labi at baba ko lang ang makikita . Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto at sinilaw ako ng liwanag na mula sa higanteng chandelier sa sala . Nandoon silang lahat ngunit sino iyong iba nilang kasama??


Penumbra's pov

"Aaaaaahhhhhhhhhh!!!"  Sabay na sigaw namin ni Shia.

"Anong ginagawa mo sa girlfriend ko!" Sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko na agad akong hinila at sinuntok sa mukha.

"Rafael ! Stop it! Stay away from him!" Sigaw ni Shia habang patuloy parin akong sinusuntok ng lalaking ito .

"BINABASTOS KA NITO SHIA EH!" Galit na sambit nung lalaki na agad hinila ni Shia at sinampal sa mukha.

"Shut up Rafael! He's not like you! Saka ano bang ginagawa mo dito!"

"Babe, si-sinusundo—"

"Shut up! Aalis ka o tatawag ako ng police!"

"Ikaw na nga tinulungan ako pa mali. Mga babae talaga!" Naiinis na sambit nung lalaki saka naglakad paalis habang nakakamot sa ulo .

"Ok ka lang ba ?" Naluluhang tanong ni Shia saka pinunasan ang dugo sa gilid ng aking labi .


Hinaplos ko ang kanan niyang pisngi at saka tumango at ngumiti . Laking gulat ko nalang ng bigla niya akong yakapin at saka umiyak ng umiyak .


Anong problema niya ?  Bakit tila may mabigat siyang dinadala sa kanyang kaloob-looban ? Shia...

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon