Chapter 17

518 37 2
                                    

Penumbra's pov

"Paano ba ito gumagana?" Tanong ko kay Shia habang pinagmamasdan yung bagay na isinusuot niya sa ulo ko .

"Basta magisip ka lang . Since magkasama tayo sa isang location , sabay tayong makakapaglog-in ." Sabi niya at saka naman niya isinuot yung sa kanya . "Handa ka na ba ?"

"Oo."

Agad niyang ini-On yung bagay na nakasuot sa ulo namin at kusa ng pumikit ang mga mata ko .

LLDO Loading..........

''WELCOME TO LEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE''

'Want to Log-in?'
[Yes] [No]

Bahala na nga . Agad kong pinindot ang YES sa maliit na board na nakalutang sa hangin.

'Sign this up'

'IGN: Penumbra'

'Are you a Male[√] Female[]'

'Age: 23'

'WELCOME Penumbra'

'CREATE YOUR AVATAR'

'Height : 5'6'

'Complexion : Fair'

'Hair : Kahit ano

Do you mean , any?

'Eyes : Pula

'CHARACTER TYPE'

'Choose a type'
( ) Angel
( ) Demon
( ) Human
( √) Elf
( ) Mermaids

'Choose a class'
( ) Warrior
( ) Gunner
( ) Archer
( ) Wizard
(√ ) Healer
( ) Swordsman
( ) Assasin
( ) Fighter
( ) Others

"CONGRATS Penumbra!"

Isang scroll ang lumabas sa harap ko . Agad ko itong binuksan at binasa ang laman .

'LEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE'

"CONGRATS Penumbra!"

Nasilaw ako ng biglang lumiwanag ang harapan ko at namangha ako ng pagdilat ko ay nasa tila gubat ako .

Puro puno dito , ibang iba sa mundo nila Shia . Nasaan na nga pala iyon?

"Hoyy bessy! Sorry! I forgot that matagal na nga pala ako dito huhuhu." Salubong sakin ng isang babaeng may mahabang tenga .

"Shia?"

"Ay hindi! Baka ako ang nanay mo." Sarkastikong sabi niya .

"Pasensya na. Teka? Ikaw ang may kasalanan sa akin!" Sabi ko at saka ako humalukipkip.

"Fine , pasensya na mahal na prinsipe." Sabi niya saka yumuko .

"Ano bang mayron dito at bakit ganito ang ating mga itsura ?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang berdeng kasuotan ko .

"Pinapagana itong LLDO , isang VRMMORPG , ng modern technology o modernong teknolohiya sa panahong ito ." Paliwanag niya . "Ay basta! Just go with the flow . Makirides ka nalang!"

Pinasama niya ako sa gitna ng gubat para manguha ng mga halamang gamot . Kumuha kami ng Gray Rasprawberry na para sa mga nakainom ng lason , Golden Mellow na para sa mga kagat ng insekto at marami pang iba .

Pagkatapos naming maghanap ng mga halamang gamot , umakyat kami sa itaas ng isang mababang burol na may puno sa tuktok .

Shia's pov

Pagkatapos naming maghanap ng mga halamang gamot , umakyat kami sa itaas ng isang mababang burol na may puno sa tuktok . Eto ang lugar na madalas kong puntahan tuwing malungkot ako .

Mula dito ay makikita mo ang kabuuan ng laro , Village of Life na nasa ibabaw namin na para sa mga Angel Class , Village of Grumps para sa Human Class , Village of Death para sa mga Demon Class , at Holy Land na lugar para sa mga Elves na gaya namin .

Malamig ang hangin na nagmumula sa kanluran , aksidenteng napatingin ako sa lalaking nakahiga sa tabi ko . Saan ka nga kaya galing ?

Tinititigan ko siya habang nililipad ng hangin ang kanyang brown na buhok . Nakapikit siya na tila sinusulit ang ganda ng kapaligiran .

Ang gwapo naman this boy! Sheyyyyt!

Nagulat ako ng makita kong nakatingin siya sakin . Wala akong nagawa kundi mapakagat sa labi ko hahahaha >\\\< Gigil mo si ako ~3~

Mas nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at halikan sa labi . Mabagal lang iyon kaya't mas dama ko >\\\\\< Gosssssshhh! Pwede na ko kunin ni Lord !

-------------
Hi silent readers ! :) Isang vote naman diyan!

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon