Chapter 2.10

83 5 0
                                    

Napansin ko yung kakaibang ngiti ni Anya . Naloloka na ba to ? Pagtalikod ko , nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si James na may hawak na puting shirt . Mas nagulat ako ng iabot niya sakin ito .



"Better change your shirt now ." Seryoso niyang sabi . Kinuha ko naman yung binibigay niya . Heartbeats ...



"Thank you ."


"No problem ." Sabi niya bago naglakad palayo .


"Hey ! Wait!" Huminto siya bago lumingon sakin . "Mind if you join us? You know , today is foundation day ."



"My pleasure ." Sabi niya saka nagbow .


"Crys , parang kailangan kong mag-banyo." Biglang singit ni Anya .


"Huh? Samahan na kita . Magbibihis din naman ako ."

"Sige tara."



Tinignan ko agad si James at naintindihan niya naman ako kaya sumunod lang siya samin . Napansin ko ang pagtitinginan ng lahat , hindi sa amin pero kay James . Parang naguguluhan sila kung bakit nakasunod samin ito .


Nasa tapat na kami ng cr ng girl ng tignan ko si James at binigyan niya naman kami ng 'Go-on look'



"Gagi ka! He's so sweet like damn! I really want to be you!" Kinikilig na sabi ni Anya .

"Ha? Seryoso? Ano ka ba! We're just friends! Nothing more , nothing less but friends!" Totoo naman ah?


"By the way , kamusta naman si Gio? You know what I mean ." Tanong ni Anya saka ako malungkot na tinignan.


"Well , me and Gio are now together . Kaya mas wala ng karapatan si Crys sa kanya." Napatingin kami sa babaeng nagsalita na kalalabas lang sa cubicle .



"Hey Madd , look who's shits are here !" Mapangasar na sabi ni Jolina .



"I knew right ." Sabi ni Madd saka ngumisi .

Napalingon kami sa sunod sunod na pagkatok sa pinto .


"Babe ? Are you done ?" That voice ... Gio .



"Ow my gosh . Gio's here . Let's go Jolina ."


Lumabas na rin kami kasunod nila . Nakita ko ang gulat at lungkot sa mga mata ni Gio ng makita ako .


"He-hey Crys ." Bati niya .


"Baby let's go ." Agad siyang hinila palayo samin ni Maddison .


Bakit parang may kirot sa dibdib akong naramdaman ? Dahil ba sa sinabi niya na he's not ready for commitments? Pero sila na ngayon ni Maddison? Wtf!



"Crys ? Are you alright ? Kanina ka pa tulala ? May problema ka ba ?" Bigla akong natauhan ng magsalita si James .



"I'm sorry James . I think , kailangan ko ng umuwi ." Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay .



"Ihahatid na kita ." Tumayo na siya at saka mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko .



"Thanks for being with me for a short time ." Bulong niya saka niya ako hinalikan sa noo .




Pagkaalis ni James sinara ko agad yung pinto ng dorm namin . Dumiretso ako sa kwarto ko . Nakita kong mahimbing na natutulog si Gio .



Bumalik nanaman sakin lahat ng nangyari kanina .



Baby ....



Baby ....




"Hmmm nakauwi ka na pala." Bati sakin ni Gio na halatang naalimpungatan lang .



Isang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya bago ko ibinagsak ang katawan ko sa kama .




"Sorry asdffhkfkkf kita"



Napamulat ako ng mata ng hindi ko maintindihan yung sinabi niya .



"Ano ulit 'yon?" Tanong ko saka humarap sa kanya .



"Wala . Matulog na lang tayo ." Nakangiting sabi niya .





"Tulungan mo ako!!!"




Napabangon ako ng muling magpakita sakin ang isang dragon. Yung dragon na nakatira sa bunganga nung bulkan sa mga nakaraang panaginip ko .





Ano bang kailangan nila sa akin??

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon