Chapter 2.2

145 10 0
                                    

Pumunta na ko sa bakanteng kama malapit sa bintana . Mula doon ay nakita ko ang pag-andar ng kotse ni tita Andrea .

"Hindi man lang siya nagpaalam." Malungkot na bulong ko sa sarili . Napalingon ako sa tumapik sa likod ko .

"Ganyan din yung parents namin nung iniwan nila kami dito." Nakangiting sabi nung babaeng yumakap sa akin kanina . "By the way , I'm Anya."

"Anya!!! Bumili na tayo ng wine para mamayang gabi!" Sabi nung babaeng inaalalayan ng boyfriend niya hanggang ngayon . So gentlemen.

"Si Curlyn at Jacob naman yang dalawa ." Pakilala ni Anya sa kanila .

"Hello Crysel!" Sabay at masayang bati nila .

"So Crysel , we got to go! Want to come?" Anya.

"Next time nalang . Magaayos pa ako ng mga gamit ko eh" Nakangiting sagot ko .

"Sige dito na kami . " Paalam nila bago sumara yung pinto .

Humanga ako dahil sa galing ng nag disenyo ng kastilyo na ito .

A room with another 3 rooms .

Napatingin ako sa isa pang kama sa loob ng kwarto . Sino kayang kasama ko dito? Isang litrato sa side table niya ang pumukaw sa mata ko . Isang family picture ito ngunit nakabura ang mukha ng dalawang kasama niya .

"Hmm . Infairness gwapo ka ..." Sabi ko habang nakatitig sa lalaking nasa litrato .

"Salamat."

"Ay kalabayong walang buntot!"

"Hahahahaha!"

"Nakakagulat ka naman kuya!" Sigaw ko sa lalaking nasa harap ko . Agad kong kinuha yung picture at itinabi ko sa mukha niya habang siya ginaya yung itsura sa picture . "I-ikaw to? Hahahahaha. Ikaw pala to ? Patayyy."

"Hahahahaha ngayon mo lang na-realize? By the way , I'm Gio." Nakangiting sabi niya bago iniabot ang kamay niya .

"Crysel." Infairness! Ang lambot ng kamay niya ah!

"Crysel , yung kamay ko." Napadilat ako at saka ko lang narealize ulit na inaamoy amoy ko pala yung kamay niya . Napabitaw nalang ako at yumuko sa kahihiyan .

"So-sorry." Nakakahiya ! Gigil niya si ako e!

"Anyway , I have to go . May practice pa kami ng football . See ya around." Paalam niya saka lumabas sa pinto .

Umiling iling ako habang sinasampal sampal ang mukha ko .

Nakakahiya!

"Crysel? Gising na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na sigaw malapit sa tenga ko .

"Anya!" Napatingin ako sa alarm clock sa side table ko . It's already 6pm .

"Mag bihis ka na girl! At schedule natin sa rooftop ngayon!" Sabi ni Anya . Naka-bun ang buhok niya at nakasuot siya ng isang itim na long gown ngayon kaya lalo pang lumabas ang kagandahan niya .

"Girl! If I were you? Magbibihis na ako . Wag mo na ko titigan at alam kong maganda na ako." Sabi niya habang naglalagay ng lipstick sa labi niya .

Napailing nalang ako at saka kinuha ang maleta ko . Anong susuotin ko?

Hinalukay ko ang maleta ko at isang kulay pulang long gown ang nakita ko sa kailaliman ng mga damit ko . Ang ganda .

"O ayan naman pala e." Agad hinila ni Anya yung damit at isang litrato ang nahulog mula dito .

Pinulot ko iyon at napangiti ako sa nakita ko .

Si mommy at daddy sa isang ball . Suot ni mommy yung gown na ito at sumasayaw sila sa gitna ng madaming tao .

Inimagine ko kung paano nila tignan ang isa't isa . Puno din ng tunay na kasayahan ang mga ngiti sa labi nila .

"Isuot mo na to girl !" Utos ni Anya saka inabot sa akin yung gown . Agad kong itinago sa maleta ko yung picture ni mommy at daddy .

Makalipas ang ilang minuto .

---

Vote comment and support my story guys! :)

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon