Crimson's pov
"Welcome to Delta city valentines ball!" Pagtatapos ng emcee sa mala-novela niyang speech.
Nag simula ng magpatugtog ang mga DJ . Masayang masaya ang lahat . May mga nagnagsasayawan , nagkukulitan , nagkukwentuhan at madami pang iba .
"Hi miss ? Maaari ba kitang mai-date ngayong gabi?" Tanong ni Mico (dragonwarrior) Sa isang magandang babae .
Nakatingin kaming lahat sa kanilang dalawa . Tinitigan muna nung babae si Mico at saka pinigil ang pagtawa .
"Anong nakakatawa?" Tanong ni Mico na nakataas ang kilay .
"Sorry pero ayoko." Sagot nung babae at saka umalis na pinipigilan parin ang pagtawa .
"Guys bakit ba ? Anong problema sakin at ganon 'yon?" Nagtatakang tanong ni Mico samin .
Sabay sabay namin siyang tinitigan . At kagaya nung babae , ganon din ang naging reaksyon namin .
"Damn , what???"
"Hahahahahaha!"
"Eww yuck ! Hahahahah"
"Damn! Ano ba yan Mico! Hahahaha"
"Puro kayo ganyan! Ano nga kasi !" Naiirita nang tanong niya at saka ichineck kung anong mayroon sa mukha niya .
"Damn."
"Wow Mico . Removable pala yan ! Hahahahahaha"
"G*go!"
"Kuya! Wine nga ." Sigaw ni Chrismel dahilan upang mapunta nanaman sa kanya ang atensyon ko .
"Can I join you?" Tanong nang isang lalaki .
"Go on." Sabi ni Chrismel at saka ininom yung wine niya .
"So ? Where you from? By the way , I'm Zach. And you?" Tanong nung lalaki . Zach? Zach ? Puso tulo ang dugo? Joke .
"Chrismel , from — g*go ka ah!" Galit na sigaw ni Chrismel .
"I know gusto mo din naman." Sabi nung lalaki na pilit na hinahalikan si Chrismel . Damn.
"Aaaaaaaahhhhhhh!" Sigawan ng mga tao .
"Boss ! Tama na!" Sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki . Naramdaman ko nalang ang paghila sa akin palayo sa lugar na iyon .
"Boss? Anong nangyare ?" Natauhan ako ng may magabot sa akin ng isang basong tubig .
"Sorry boss kasalanan ko." Nakayukong sabi ni Chrismel .
"I need to go now ." Sabi ko at saka tumayo .
"Guys , sorry sa kaunting aberya sa ating party . Sorry kay Mr.Damsell at sa girlfriend niya . So let's now continue our party!" Sabi nung emcee.
Girlfriend , tsk .
Tadhana- UpdharmaTown
Sa hindi inaasahang ,
Pagtatagpo ng mga mundo .
Isa isang kinuha ng lahat ang kamay ng kanilang partners at dinala sa gitna ng dance floor .
May minsan lang na nagdugtong,
Damang-dama na ang ugong nito .
Hindi gaya kanina , tahimik ang lahat . Dinadama ang musika . Sumenyas si Akira at Kira na pupunta muna sila sa dance floor .
Di pa ba sapat ang sakit ng lahat
na hinding hindi ko ipararanas sayo .
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta.
Sumunod na rin ang iba kong mga kasama . Tanging ako na lang at si Chrismel ang natira , nanonood sa kanilang lahat .
Bakit di papatulan ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasang , hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo .
Di ko namalayan na nasa harap na pala ako ni Chrismel .
"Ayos ka lang ba ?" Tanong ko .
"Oo wag kang mag-alala."
"Sino may sabing nagaalala ako?" Sabi ko at saka ngumisi .
"Yang mga mata mo ." Sabi niya saka ngumiti .
Nagulat ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin .
Saan nga ba patungo? Saan nga ba patungo?
Nakayapak at naghihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo .
Napapikit nalang ako.
Lumipas ang isang minuto . Wala pa rin?
"Nasaan na ?" Nagtatakang tanong ko .
"Ang alin? Hahahahaha ! Yes! Nakaganti din sa wakas !" Tuwang tuwa na sabi niya . This girl .
Agad ko siyang hinila papalapit muli sa akin at saka ko siya hinalikan .
Bakit di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipapaubaya nalang ba ito sa hangin
Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig sayo .
"Wow! Fireworks!" Sigawan ng marami dahilan para mapatigil kami . Kakabitin . Charot .
Agad ko siyang tinitigan at saka inalis ang maskara niya . Damn! Si pokwang! Joke .
Tinanggal ko na rin ang maskara ko gamit ang kaliwang kamay ko dahil hawak ng kanang kamay ko ang bewang niya .
Saglit kaming nagtitigan , at saka siya bumungisngis . Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata . This girl . Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa ulo .
Sh*t . When destiny hits you .
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...