Chapter 53

161 11 0
                                    

Chrismel's POV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata . Maliwanag ang paligid at tahimik . Muli kong ipinikit ang aking mga mata at muli'y idinilat ito . Nakarinig na ako ng mga boses . Dahan dahan akong bumangon , lahat sila'y napalingon sa akin at nakita ko ang kaguluhan sa kanilang mga mata .

Sa isang banda , nakita ko si Crimson na napapalibutan nila Zach , Akira , Mico , Alec at Alex na tila inuusig na parang isang kriminal .

"A-anong meron?" Naguguluhang tanong ko sa kanila .

Nakita ko ang simpleng pagtingin sakin ni Crimson at mabilis ko nalang itong iniwasan .

Halos panaginip lang din pala ang lahat ng nangyari since nandito ang katawan namin ni Crimson sa dimensyon namin .

Months passed so quick . Naging ok na kami ng asawa ko . Naintindihan niya na din na parang panaginip lang yung nangyari .Sobra sobrang sorry at sising sisi siya sa mga masasakit na nasabi niya sakin .

Sobrang maalaga siya , yung tipong pag gusto ko ng grapes , kahit madaling araw na maghahanap talaga siya . Kahit busy siya sa office , iniischedule niya talaga yung mga araw na magpapacheck up ako .

Kabuwanan ko na rin ngayon , at hanggang ngayon , nangungulila pa rin si Andrea kay Spade . Sinusubukan nilang i-trace ang location nito pero bigo sila . Parang may kumukontra daw kasi sa charms nila kaya hindi nila ito mahanap . Ilang beses din naming sinubukan kausapin siya via mind link pero bigo kami .

Nandito na kaming lahat sa hospital . Nagla-labor na kasi ako . Kasalukuyan akong naglalakad lakad kasama ang mga girl friends ko hahaha. Natatakot din kasi ako kaya need ko ikalma ang sarili ko .

"Bes , excited na ko makita ang inaanak ko ." Kinikilig na sabi ni Kira.

"Inaanak mo lang? Inaanak din kaya namin yon! Diba And-" Napatingin kami kay Andrea na kasalukuyang yakap ang sarili at nakatingin nanaman sa malayo .

"Eya, wag ka na malungkot . Mahahanap din natin si Spade . Sigurado akong di matutuwa yon pag nakita ka niyang malungkot." Sabi ko saka ko tinapik ang likod niya .

"Eya , dito pa kami oh!" Lady.

"I'm sorry guys and thank you ." Sabi ni Andrea bago pinunas ang mga luha niya .

"Aaaaaaaaahhhhh" Napahawak nalang ako sa tiyan ko sa sobrang sakit .

"Omg! Anong nangyayari?!"

"Manganganak na ata siya!"


"Tawagin niyo si Crimson!"

"Aaaaaaahhhhhhh!!!" Naramdaman ko ang likido dumaloy palabasa sa akin .o

"Nako, Nako, Dali isakay niyo siya dito sa wheelchair !" Utos ni Crimson na halatang nagpa-panic na din .





---


Nagising ako sa iyak ng sanggol . Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Crimson na may buhat na baby . Nakangiti siyang nakatingin sa akin.


"Patingin ako ." Excited na sabi ko kahit medyo nanghihina pa . Agad siyang lumapit sa akin .





Nakuha niya halos lahat ng detalye ng mukha ni Crimson . Ang ganda niya .




"Oh hon , wag ka na umiyak." Natatawang sabi ni Crimson bago niya ibinigay sa nurse yung baby namin. Agad niyang pinahid ang luha ko at niyakap ako .





"Ma-masaya lang ako *sobs* so-sobrang dami nating *sobs* pinagdaanan." Lumayo siya ng konti sakin at tumitig sakin ng seryoso .





"Mahal na mahal kita . Lagi mong tandaan yan ." Then we sealed our lips with a kiss .





Ikaw nga talaga ang Lucas na minahal ko noon ... at patuloy kong mamahalin ngayon .

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon