Nagising ako ng wala na si Crimson sa tabi ko . Agad kong sinuot yung robe ko , tinignan si baby Crysel at hinanap si Crimson .
"Dy , ang aga mo naman mag-inom." Sita ko sa kanya ng makita ko siyang nakayuko at may hawak na beer sa mini bar ng bahay namin . "Dy , tara doon ka sa kwarto magpahinga."
Nagulat ako ng hawiin niya yung kamay ko ng subukan ko siyang hawakan .
"Wag *hik* mo ko subukang *hik* hawakan !" Galit na sigaw niya na ikinagulat ko .
Hindi ko na napigilan umiyak dahil na rin sa gulat at awa ko sa sarili ko .
"Da-dahil ba to sa sinabi ni Maico? Hindi naman kita pipiliting maniwala sakin e . Pero sana maramdaman mo diyan sa puso mo yung totoo!" Sabi ko bago nag walk-out . Agad akong nagtungo sa kwarto ni Crysel at doon ko na inilabas lahat ng emosiyon na kinikimkim ko .
"M-my? Sorry." Sabi ni Crimson saka ako niyakap pero agad din akong kumawala .
"Hayaan mo muna akong mapag-isa , Crimson . Please lang ." Mariing sabi ko sa kanya . Agad din siyang tumayo at lumabas sa kwarto .
Lumabas ako ng kwarto at saka nagpunta sa kusina para timplahan ng gatas si Crysel. Wala ang presensya ni Crimson sa buong bahay .
Nagpunta ako sa kwarto at kinuha yung maleta ko at saka ako dali-daling nagempake ng mga gamit namin ni Crysel .
Crimson's POV
Kahit medyo nakainom , nag drive ako papunta sa McDo upang bilhan ang asawa ko ng paborito niyang fries at sundae . Sana kahit dito , mapagaan ko ang loob niya .
Pauwi na ako ng makaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko na parang may hindi magandang mangyayari . No , wala lang ito .
Pagdating ko sa bahay ay excited akong hinanap si Chrismel. Pagdating ko sa kwarto ni Crysel ay hindi ko sila natagpuan doon kaya nagbaka sakali ako sa kwarto namin ni Chrismel ngunit nabigo ako . Inikot ko na yung buong bahay ngunit wala yung mag-ina ko .
Agad kong binuksan yung closet ni Chrismel ngunit wala na itong ni isang laman . Wala din ang maleta niya sa itaas ng closet .
Nasaan ka na Chrismel??!!
'Kringggggg'
"Hello Crimson , I just want you to know na nandito sa bahay ko yung mag ina mo ." Sabi ni Kira sa phone call .
"Pupunta ako diyan."
"Lumipat na kami sa bago naming bahay kaya wala ka ng aabutan sa dati naming bahay . Magpa-file kami ng DNA test niyo ng anak mo para patunayan na sayo talaga siya . Sobrang nahihirapan na si Chrismel sayo."
"Gusto ko siyang makausap."
"Pinapasabi niya na once, maging positive ang results , ayaw ka na niyang makita."
"Gusto ko siya maka—" 'tooooooot.
"Ang tanga tanga ko!" Sigaw ko saka ako pumunta sa mini bar .
Chrismel's POV
"Ok na Chris." Malungkot na sabi ni Kira sa akin .
"Bakit pakiramdam ko ako yung mali dito?" Naiiyak na sabi ko .
"Wala kang mali bes , tama lang ang ginawa mo . Mahirap husgahan sa mga bagay na hindi mo naman ginawa." Pilit ang ngiting sabi ni Kira na sinusubukang palakasin ang loob ko .
DNA test nalang ang natatanging paraan .
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...