Chapter 21

424 29 0
                                    

3rd Person's pov

"Penumbra! Anong nangyayari sayo?!" Nagulat ang lahat sa tree house ng biglang mawalan ng malay si Penumbra .

Buti nalang ay agad siyang nasalo ni Shia.

----

Nagising si Penumbra sa isang lugar na hinding hindi niya makakalimutan . Ang kanilang kaharian .

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong niya sa isa sa mga maids doon .

"Pen! Nandito na si Draven!" Sigaw ng babaeng pilit niyang kinikilala .

"Queen? Ikaw ba yan? Pero paano?" Tanong ni Penumbra sa babae.

"Nang pumunta ka sa mundo ng mga tao , pinabalik kami dito ng inyong ama para maghintay sa pagdating ni Draven . At ngayon, nandoon siya sa inyong silid ."

Pagkasabi na pagkasabi no'n ni Queen dali-daling tumakbo si Penumbra sa kanilang silid .

Pagkabukas niya ng pinto ang laki ng tuwa niya . Nakita niyang muli si Draven . Hindi niya alam , dapat di matuwa si Penumbra pero dahil na rin siguro sa lukso ng dugo . Ang pagkamunghi niya kay Draven ay tuluyang naglaho .

"Draven!!!" Pagkasigaw niya ng pangalang iyon ay agad na napalingon si Draven .

Pero walang kahit sinong nakita si Draven .


Penumbra's pov

"Draven!!!" Masayang sigaw ko ngunit nagulat ako ng unti-unti akong maglaho .

"Pen? Ok ka lang ba ??? Bigla ka nalang nawalan ng malay kanina."

"Nakauwi na siya!" Masayang sabi ko at saka niyakap si Shia .

"Sino?"

"Si Dra— ahhh" Ang sakit .

Dama ko ang pagbaon ng matalim na bagay sa likod ko na tumagos sa laman ko. Buti nalang at napabitaw ako kay Shia kundi'y nadamay din siya.

Nagulat ako pagkaharap ko .

"Ku-kuya." Unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay .

Pero bakit Draven?

Zachareel's pov

Nagising ako na nasa ilalim ng isang mataas na puno . Panaginip lang pala ang lahat. Panaginip nga ba ?

Muli akong nag-scan kung may player na Penumbra ang IGN sa malapit at hindi ako nabigo .

Nakita ko ang isang lalaki na masayang yumakap sa isang babae at ayon sa radar ko at sa pangalan na nasa ulo ng player na lalaking iyon . Siya nga si Penumbra .

Walang pagdadalawang isip , agad akong nagblink sa likod niya at ibinaon ang Kirigaya's Soul Stealer ko sa likod niya .

Napabitaw iyong babae na halatang gulat na gulat .

"Ku-kuya." Huling sabi ni Penumbra na tuluyan ng nawalan ng malay . Unti-unting binabawasan ng burn effect ng sword ko ang Hp niya .


Kasabay ng pagkakagulo ng lahat ng kasama niya at pagiyak nung babae , isang mala-espadang bagay ang tila bumaon sa aking puso .

Ang sakit . Bakit may kung ano sa loob ko ang nasaktan sa ginawa ko?

"Aaaaaarrrrrggggggghhhh" Paalis na sana ako ng sumakit ulit ng matindi ang ulo ko .

Tuluyan ng nagdilim ang paligid ko .

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa sahig .


"Ang swerte naman natin dito tol. Daming ginto nitong lalaking to." Sabi ng isang lalaki na may hawak na pouch na may lamang ginto .

"Hoy ! Ano yan? Magsi-alis kayo sa lupain ko!" Sabi nung lalaki na ayon sa kasuotan ay masasabi mo na mayaman ito .


"Ayos ka lang ba ?" Tanong nito sa akin.

"Oo maraming salamat." Sagot ko habang pinupunasan ang bahid ng dugo sa labi ko .

"Saan ka galing? Bakit ganyan ang itsura mo? May party ba kagabi sa Delta City?" Sarkastikong tanong niya at saka humalakhak .


"Sa Magic World . At nandito ako para hanapin si Chandria ." Sabi ko sa kanya .


"Dalhin niyo siya kay daddy . Malamang mapapakinabangan siya para sa eksperimento niya . Wala na siyang kwenta sa akin ." Pagkasabi no'n ng lalaki ay agad akong binuhat ng mga bantay niya .


Hindi na ako nakapalag dahil hinang hina na rin ang katawan ko dahil sa pang bubugbog sakin nung mga lalaki kanina .


"Sa-saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko ngunit agad akong sinuntok sa sikmura nung isang lalaki hanggang sa mawalan ako ng malay .


---------

Guys , as of yesterday #74 na ang LLDO sa Adventure . Sana patuloy niyo pong suportahan ang aking istorya :)

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon