Crimson's POV
"Kasalanan ko ang lahat ng ito . Dapat di nalang ako nabuhay ." Bulong ko sa sarili ko .
"Wala kang kasalanan Lucas." Nakangiting sabi ni Shia na pinipilit akong ikalma .
Nakita ko ang paglabas ng isang mala-itim na usok sa walang malay na katawan ni Draven .
Unti-unting nagkaroon ng hugis yung usok na yun hanggang sa magkaroon siya ng katawan at wangis .
"Penumbra ..." Naluluhang sabi ni Shia .
"Siya ba Shia?" Sabi ni Penumbra saka ngumiti ng pilit na halatang pinipigilang kumawala ang kanyang mga emosyon .
"Penumbra ... Sorry" Naiiyak na sabi ni Shia saka niya nilapitan si Penumbra.
"Aaaaaaaaahhhhhhhh manganganak na ako !" Sigaw ni GM Mae na kinaalarma ng lahat .
Agad silang kumilos ...
Napatayo ako sa gulat .
"Icelle? Zxander ? Ash? Pero? Paano kayo napunta dito?" Tanong ko sa kanila .
"Kagaya na kami ni Penumbra , shape-shifters na rin kami." Sabi ni Zxander.
Naalala ko na sila Kira , Grim , Lady at si Azad ang mga nagagalit sa akin kanina kaya nagulat ako ng naging sila Icelle yun.
"Wag niyo kausapin yang gag*ng yan!" Galit na sigaw ni Ash .
"Tama na Ash." Bulong ni Icelle .
Napalingon kaming lahat ng isang iyak ng sanggol ang aming narinig . Nakangiting buhat ni GM Mae ang bagong silang na sanggol .
Pag asa. Yan ang nasa mata ng lahat . Ngiti sa labi na kahit wala kaming kasiguraduhan kung makakalabas kami dito ay nagawa namin .
"Ang ganda niya mahal ko." Nakangiting sabi ni GM Vhin .
"Ano kaya magandang pangalan para sa kanya ? Hmm." Masayang sabi ni Icelle .
"Aluminanight." Nakangiting sabi ni GM Mae .
Sakabilang banda, luha ang makikita mo sa mga mata ni Penumbra at Shia .
Ako ang may kasalanan kung bakit nasasaktan at nahihirapan ang lahat .
"Guys. Tignan niyo yung oras ."
Napatingin kami sa itinuro ni Freak .
Pabilis ng pabilis yung oras .
5.....
4....
3...
2..
1.
Biglang lumutang yung baby nila GM Mae at GM Vhin . Unti-unting naging isang magandang fairy yung baby .
"Mama , Papa , umalis na tayo dito . Ituturo ko sa inyo ang daan pero dapat kayong maging handa ." Sabi ni Aluminanight at saka lumipad sa tabi ni GM Mae at GM Vhin .
"Tumayo na kayong lahat . Kailangan na nating kumilos ." Sabi ni GM Vhin at saka inalalayang tumayo si GM Mae .
Tinignan kong inalalayan ni Penumbra si Shia at ganun din si Draven kay Chandria .
Tumingin sakin si Chandria pero umiwas din agad .
Sa kalayuan , nakita ko si GM Winter na malungkot na nakatingin kay Draven at Chandria .
—————
Habang nag lalakbay kami ay ikinukwt
75th floor
Giant Cyclopes Lvl. 160
80th floor
Demon Leviathans Lvl. 190
90th floor
Hades Lvl. 200
"Ok . Nandito na tayo" Sabi ni Dragon Warrior . Nandito kami sa tapat ng isang higanteng pinto .
Ang 100th floor.
"Handa na ba kayo?" Tanong ni GM Vhin na nakahawak sa pinto .
"Tara na!" Sigaw ni Freak at saka kami nagtulong tulong na itulak ang higanteng pintong iyon .
Kadiliman . Iyan ang naa loob ng malaking kwartong iyon .
"Anong meron dito?" Tanong ni Freak .
Nagulat kami ng biglang may humila sa kanya. Nagliwanag ang paligid dahil sa mga mata . Apat na pares ng mga mata .
Nakita nalang namin ang mga putol-putol na bahagi ng katawan ni Freak kasama ang putol-putol na mga kalansay ng tao .
Napatakip ng bibig sila Icelle at Ash .
"Set na tayo !"
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...